Balita

‘Stranger Things’ cast dumalo sa birthday party ng batang Pinoy

‘DI SINIPOT NG MGA KAKLASE

- Ni DIANARA T. ALEGRE

MAKIKITAo makakasama ng FilipinoAm­erican na si Aaron Alambat ang Stranger Things stars na sina Millie Bobby Brown at Gaten Matarazzo sa susunod na kaarawan niya, dahil hiniling ng dalawang aktres na imbitahin sila sa kanyang sunod na selebrasyo­n. Ito ay makaraang i- tweet ng kapatid niyang si Ayen Alambat nitong Marso 18, ang larawang kuha kay Aaron na ginagaya ang ace impression ni Eleven sa Stranger

Things na may iba’t ibang pagkain sa background.

Hindi maitatangg­ing tagahangaa si Aaron ng Netflix original series, at inimbitaha­n niya ang kanyang walong kaklasekla­se sa kanyang Stranger Things themed birthdayhd­ay party, ngunit hindi sumipot ang mga ito.

Nanawagan naman si Ayen sa “punks” na nagtangkan­g sumira sa birthday ni Aaron.

“My brother invited 8 of his classmates for his Stranger Things themed bday party & none of their punk selves showed up,” tweet ni Ayen, kasama ang mga larawan ng kanyang kapatid at Stranger Things set up venue.

Pero hindi hinayaan ng netizens na maging malungkot ang pagdiriwan­g ni Aaron ng kaarawan kaya gumawa sila ng online party — at kabilang ang Stranger Things casts sa mga dumalo.

Nag- tweet ng pagsuporta kay Aaron sina Millie Bobby Brown, Gaten Matarazzo, Shannon Purser, at Cara Buono. “What!!!! Oh Well You can let them all know that everyone on behalf on Stranger Things would’ve come! I think your awesome and next year I would like an invite... Please?” tweet ni Brown. Nagbolunta­ryo namang magdala ng snacks si Gaten Matarazzo, na gumanap bilang si Dustin. “Count me in too! I’ll bring the chocolate pudding,” tweet ni Matarazzo. Nag-tweet din sina Cara Buono at Shannon Purser, at nakisaya sa selebrasyo­n. Tweet naman ni Buono, “Happy Birthday! Wow, those kids missed out!” “I hope he had a great birthday nonetheles­s!!! Barb totally would havhave been there!,” sabi nanaman ni Purser. SSi Aaron, na tagataga-California, ay nanakakuha rin ng susuporta mula sa FFilipino social media star na si B Bretman Rock at sa dating America’s Am Next Top Model Mod contestant na si Justine Jus Biticon.

“AwwwA Happy Birthday !! I love all the Filipino food,food,” sabi ni Rock. “Everytime i see a tweet like this i have to add more people to my fight list. i debate dropping my address just so this never happens to anyone. tell aaron ate justine is coming every year from now on,” susog naman ni Biticon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakakuha na ng mahigit 289,000 likes, 62,000 retweet, at 5,200 comments ang tweet ni Ayen. Kalaunan ay nagbigay ito ng update tungkol sa birthday party ng kapatid.

Aniya, masaya si Aaron sa selebrasyo­n, kasama ang kanilang pamilya, at “if his classmates are gonna invite him, he won’t go. That’s his payback.”

 ??  ?? Aaron
Aaron
 ??  ?? Millie
Millie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines