Balita

Paris Jackson at Cara Delevingne, namataang naghahalik­an

-

NEWcouple alert? Namataan sina Paris Jackson at Cara Delevingne na nagsasayaw at naghahalik­an nitong Huwebes ng gabi, batay sa mga nakuhang larawan ng Daily Mail. Iniulat ng pahayagan na magkasaman­g naghapunan sina Jackson, 19 , at Delevingne, 25, sa Carlitos Garde l steakhouse sa West Hollywood kasama ang ninong ni Paris na si Macaulay

Culkin at girlfriend nitong si Brenda Song.

Pagkatapos ng dinner, lumabas ang apat, at nakitang umupo sa kandungan ni Jackson si Delevingne at nagsayaw ang dalawa sa sidewalk saka naghalikan.

Bagamat hindi pa umaamin sa publiko ang dalawa sa kanilang relasyon, ilang beses na silang nag-post sa social media na magkasama.

Nitong Lunes, nag- post si Jackson ng Instagram photo ni Delevingne na nakatayo sa kama sa Greg Haberny’s Suite 406 exhibition na inspired sa Petit Ermitage hotel sa West Hollywood, na may caption na “art.”

Nang gabing iyon, nagbahagi ang dalawa ng video sa Instagram Stories na magkayap habang nakahiga sa kama at nanonood ng pelikulang Carol, at sinasabi ang linya ni Cate Blanchett na “flung out of space” sa isa’t isa. Magkasama ring nagbakasyo­n sina Delevingne at Jackson, anak ng pumanaw na si Michael Jackson, sa London nitong nakaraang buwan, nag- post si Jackson ng Instagram photos – kasama si Delevingne at kanyang nakatatand­ang kapatid na si Poppy. Caption niya sa post: “So f*** ing happy i got to see my favorites, can’t wait to come back again soon ♥ .”

Ang couple, na nag- post din ng litrato nilang magkasama sa MTV Movie & TV Awards noong Mayo, ay mayroon ding cute exchange ng mga komento sa Insta pics ni Jackson sa London. Nang magkomento si Delevingne ng “too cute” sa larawan, nag-reply naman si Jackson ng, “i know you are but what am i.”

Naging karelasyon ni Delevingne ang singer na si St. Vincent mula 2015 hanggang 2016, at umamin tungkol sa kanyang seksuwalid­ad sa panayam ng Vogue noong Hulyo 2015, at sinabing, “My sexuality is not a phase. I am who I am.” Nakipaghiw­alay si Jackson sa boyfriend niyang si Michael

Snoddy nitong Pebrero.

 ??  ?? Paris at Cara
Paris at Cara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines