Balita

PAGDILA SA APOY

-

Ika-108 labas

MAY nakasakay si Pedring sa dyip na Susie ang pangalan. Kapitkuwar­to raw niya. Mabiro at may pagka-pilya ang babae.

Nang magbabayad ng pamasahe, nakipag-unahan siya. Hinawakan niya ang kamay ni Susie kaya siya ang nakapag-abot ng pamasahe sa driver. Marahang binawi ni Susie ang kamay at nginitian siya ng pagkatamis-tamis. Bakit pa kahawig yata ng ngiti ni Lagring ang ngiti ng babaeng ire?

Sa Quiapo bumaba si Susie. Hindi malinaw sa kanyang isip kung bakit bumaba rin siya. Medyo kabisado na niya ang lugar na iyon.

“Dito rin ang trabaho mo?” tanong ni Susie.

Tumango siya. Hindi na niya sasabihing wala naman siyang trabaho at may hinahanap lang siya. “Sa’n Pedring?” “Sa tabi-tabi lang dito. Ikaw?” “Hindi kalayuan dito. Dapat, sasakay pa sa de padyak pero maglalakad nalang ako. Sayang pa’ng pamasahe.”

“Wala naman yatang mura ngayon, Susie.”

“Pumapasok ako sa patahian. Mga damit ng bata. Pang export yata ang mga ‘yon.”

“Dapat pala sa ‘yo ‘ko magpatahi.”

“Hindi ka naman bakla, e. pambatang babae ‘yong tahi naming.”

Maganda rin si Susie. Taas Pilipina. Medyo payat pero mahugis naman ang pangangata­wan. Mas maputi sa karaniwan.

Sa tapat ng isang mataas na gusali. Ang ilalim ng building ay tindahan ng samu-t-sari: grocery, bakery, mga sapatos at tsinelas.

“D’yan sa itaas ang pinapasuka­n ko,” sabi ni Susie.

Wala na si Susie. Naiwan sa isip niya ang magagandan­g mga hita at binti ni Susie. Kanina sad yip, medyo paburara ang pagkakaupo ni Susie. E, magkatapat sila. Makikinis, walang kapekas-pekas ang mabalahibo­ng mga binti. Ganoonggan­oon ang mga hita at binti ni Lagring. At natuklasan niya. Kung matao ang nayon, lalong matao sa bayan!

Pero aywan kung bakit may isang bahagi ng kaniyang dibdib na kaagad ay tumututuol sa pagkukumpa­ra niya kina Lagring at Susie. Sabi ng galit na bahagi ng kaniyang dibdib: Mas maganda si Lagring! Walang babaeng pwedeng ikumpara kay Lagring. Wala…wala!

May bahagi naman sa kanyang utak na iginigiit si Susie. Kung wala si Lagring, puwede na si Susie.

Bigo na naman si Pedring sa maghapong paghahanap kay Lagring.

Hapon. Medyo madilim na nang dumating ng inuupahang kuwarto si Pedring. Noong mga nakaraang araw, tuwing babalik siya sa inuupahan pagkatapos ng maghapong paghahanap, nagkukulon­g kaagad siya sa loob ng kuwarto. Humihiga sa kaniyang teheras at matinding nag-iisip.

Iniisip niya ang mga nakaraan nila ni Lagring na humantong dito sa laging nabibigong paghahanap. Madalas, natatapos iyon sa kanyang mga pagiyak. Malayang pag-iyak.

Umistambay siya sa bungad ng daang papasukan ng mga umuupa sa itaas ng inuupahan niya.

At nakita niyang paparating si Susie. Malayo pa, maluwag na ang pagkakangi­ti nito.

“May hinihintay ka?” Tanong ni Susie.

“Oo. Ikaw. Isang oras na yata akong naghihinta­y.”

“Wow! Talaga? Baka naman ibang babae ang hinihintay mo.”

“Wala naman akong ibang babaeng kilala rito.”

“Ow, talaga? Kung alam ko lang, inuwian sana kita ng pansit.” Tawa uli si Susie. Sarap talagang tumawa ng babaeng ire. Nakakawala ng problema. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines