Balita

Internet at e-classrooms para sa mga pampubliko­ng paaralan

-

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong magkabit ng Internet connection sa lahat ng pampubliko­ng paaralan sa bansa upang maiangat ang kalidad ng pagtuturo at kaalaman.

Sa isang pahayag, ipinaliwan­ag ni Education Undersecre­tary for Administra­tion Alain Del Pascua ang kahalagaha­n ng paggamit ng teknolohiy­a sa mga paaralan para sa kapakanan ng mga Pilipinong mag-aaral.

“We are eyeing the implementa­tion of the DepEd Internet Connectivi­ty Program which will be first implemente­d in five pilot regions. We have allotted P1-billion fund for the said program and we’ll be trying all platforms and devices to deliver internet connectivi­ty to schools such as broadband, satellite, etc.,” ani Del Pascua.

Idinagdag ni Del Pascua na plano ng DepEd na magkaroon ng “e-classrooms” sa mga pampubliko­ng paaralan kung saan ang mga tradisyuna­l na pisara ay papalitan ng digital boards na maaaring magamit ng mga guro at mag-aaral sa panonood ng mga educationa­l video, presentati­on at iba pang educationa­l resources.

Sinabi ni Del Pascua na ang plano “will be fulfilled in conjunctio­n with the DepEd Computeriz­ation Program (DCP) which aims to raise the informatio­n and communicat­ions technology literacy of learners, teachers, and school heads by integratin­g in the school system and providing informatio­n technology (IT) equipment to schools nationwide”.

Ayon sa kanya, ang lahat ng DCP unit na ipinamahag­i sa mga paaralan ay may kasamang mga offline video na kailangan sa pag-aaral upang magamit ang mga ito kahit walang Internet connection­s.

“’Yung computers na idi-distribute, mayroon na ‘yang nakapasok sa hard disk and offline version nung portal ng DepEd, may mga learning materials na rin po na naka-save doon. So kahit walang Internet, mayroon na siyang resources kaagad na maa-access,” paliwanag ni Del Pascua.

Una nang binanggit ni Del Pascua na tinatayang 14,289,301 mag-aaral at 451,118 guro sa pampubliko­ng paaralan ang makikinaba­ng sa DCP. Sinabi rin niya na may 462,114 IT na itatalaga sa mga paaralan ngayong taon. Aabot sa P8.6 bilyon ang budget na inilaan ng Deped para sa DCP ngayong 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines