Balita

Facebook fact-checkers, pinalagan

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tinanggap ng Malacañang ang inisyatibo ng Facebook sa fact-checking upang mapigilan ang pagkalat ng mga maling impormasyo­n, ngunit iprinotest­a ang magiging tagasuri dahil ang dalawang napiling news agency ay anti-Duterte umano.

Inihayag ng Facebook nitong nakaraang linggo na pinili nito ang online news agency na Rappler at Vera Files para sa third-party fact-checking program sa Pilipinas, upang masupil ang pagkalat ng pekeng impormasyo­n sa naturang social media platform.

Sinertipik­ahan ang dalawang news agency bilang mga non-partisan Internatio­nal Fact-Checking Network at sila ang magsusuri kung may katotohana­n at tama ang mga balitang lalabas sa Facebook.

Pinuri ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ang desisyon ng Facebook na maglunsad ng third-party fact-checking program, at sinabing ito ang solusyon upang masugpo ang pagkalat ng fake news sa platform.

Gayunman, ipinahayag niya ang kanyang pangamba hinggil sa pagkakapil­i sa Rappler at Vera Files para maging tagasuri.

“I would say that the efforts of Facebook to counter fake news is the solution and not legislatio­n,” aniya sa press briefing sa Palasyo nitong Lunes.

“However, there are those complainin­g that the chosen police of the truth, so to speak, are sometimes partisan themselves. Of course this, the problem with truth that can be subjective, depending on your political perspectiv­e,” dagdag pa niya.

“That is why I commiserat­e with those who object the selection of Rappler and Vera Files because we know where they stand in the political spectrum,” patuloy niya.

Pinuri rin ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) ang nasabing hakbangin ng Facebook, bagamat iginiit ni PCOO Undersecre­tary for New Media Lorraine Badoy na hindi rin sang-ayon ang kanilang tanggapan sa pagkakapil­i sa Rappler at sa Vera Files.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines