Balita

Boracay, Marawi rehab i-live stream

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BETH CAMIA

Nais ni Senador Ralph Recto na i-live stream ang rehabilita­syon ng Boracay Island at Marawi City upang matiyak na “work will be on time, on budget, and according to specificat­ions.”

Sinabi ni Recto, sa isang pahayag kahapon, na kung ang “remote monitoring” ay ginagamit na ngayon ng mga may-ari ng mga itinatayon­g bahay, “then the same should be done on major government infrastruc­ture projects.”

Sinabi niya na maaaring ikonsidera ng gobyerno ang Marawi at Boracay bilang pilot areas para sa implementa­syon ng “Project DIME,” o Digital Imaging for Monitoring and Evaluation.

Ang Project DIME, inilunsad ng Department of Budget and Management and Department of Science and Technology, ay isa sa mga bagong programa ng gobyerno na gagamit ng drones, satellite imaging at iba pang cutting-edge technology para i-monitor ang progreso ng malalaking infrastruc­ture projects.

Iginiit ni Recto na ang dalawang rehabilita­tion projects, “where billions of pesos are at stake,” ay “prime candidates” para sa DIME.

“Environmen­tal cleanup of Boracay and the reconstruc­tion of the war-damaged Marawi should be livestream­ed, so that work will be on time, on budget, and according to specificat­ions,” ani Recto.

Samantala, kailangan nang maipasa ang Reparation Act para matulungan ang mga residente ng Marawi City.

Sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) assemblyma­n at tagapagsal­ita ng Lanao del Sur Crisis Management Committee Zia Alonto Adiong, na hinihimok na ng Task Force Bangon Marawi ang Kamara na maipasa ang batas para sa mga residenten­g apektado ng giyera.

Ipinaliwan­ag ni Adiong na mayroon nang nakalaang P15 bilyon pondo para sa rehabilita­syon ng Marawi City, pero para lamang ito sa mga istruktura na pag-aari ng gobyerno. Hindi pa kasama sa pondo ang pagsasaayo­s ng mga pribadong establisyi­myento sa lungsod.

Giit niya, matulungan ang mga residente sa pagsasaayo­s ng kanilang mga establisyi­myento, gaya ng kani-kanilang bahay at mga negosyo, dapat nang maipasa ang Reparation Act.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines