Balita

Jeric at Kyline, bagong tinitilian­g love team

- Ni NORA CALDERON

NAKAKATUWA na malaki na ang fan base ng bagong love team nina Jeric Gonzales at Kyline

Alcantara. Libulibo na nga ang mga followers nila. Si Kyline, umabot na rin sa one million ang fans na tinatawag niyang “sunshine.”

Hindi na nga maitatangg­i na bukod sa love team nina Miguel

Tanfelix at Bianca Umali, tuwing may mall show ang pinaguusap­ang primetime series na Kambal

Karibal, tinitilian din sina Jeric at Kyline. In fact, carry na ni Kyline mag-solo mall show dahil sa support ng fans, saan man siya mag-perform.

Dahil sa Kambal Karibal ay mas nagiging malapit sina Jeric as Makoy at si Kyline bilang Crisan at Cheska, dahil sila ni Nori ( Francesca Salcedo) ang tumutulong sa kanya simula nang sumanib ang kaluluwa ni Crisan kay Cheska. Api-apihan na si Crisan ngayon dahil ang kakambal niyang si Crisel ( Pauline Mendoza) ay siyang sumanib sa kanyang katawan matapos siyang mahulog sa bangin at humiwalay ang kanyang kaluluwa. Si Crisel na ang kinikilala­ng Crisan ng mga magulang nilang sina Geraldine ( Carmina

Villarroel) at Allan ( Alfred Vargas). Mukhang magkakaroo­n pa ng triangle kina Makoy at Crisan/ Cheska dahil pumasok naman ang character ni Darren

( Jake Vargas), na amo niya sa story. Matagal nang walang ka- love team si Jeric since nagkahiwal­ay sila ni

Thea Tolentino after nilang makagawa ng ilang projects as winners ng second season ng Protege, ang reality-based artista search ng GMA. Si Kyline na nga kaya ang maging ka-love team ni Jeric?

Isa pang accomplish­ment ni Kyline, bukod sa mahusay na actress, maganda rin ang boses niya, noong isang araw ay pumirma na siya ng recording contract sa GMA Records.

Mapapanood ang Kambal Karibal gabigabi pagkatapos ng Sherlock Jr.

 ??  ?? Kyline at Jeric
Kyline at Jeric

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines