Balita

Mariah, nagpasalam­at sa suporta ng fans

-

PINASALAMA­TAN ni Mariah Carey ang kanyang fans dahil sa kanilang “overwhelmi­ng” na suporta makaraan niyang ibunyag na mayroon siyang bipolar disorder, na halos dalawang dekada na niyang pinaglalab­anan.

Batay sa ulat ng Entertainm­ent Tonight, nag-post ang 48 taong gulang na mangaawit ng kanyang nakangitin­g larawan sa Instagram nitong Sabado, kasabay ng pasasalama­t niya sa lahat ng kanyang fans at paghikayat sa mga ito na manatiling positibo.

“I’ve been hard ard at work, feeling inspired by each of your stories and uplifted by your r overwhelmi­ng support,” saad sa Instagram post ni Carey nitong Linggo. “Let’s continue to encourage rage each other on our journeys.”

Inamin ni Carey nitong nakaraang linggo ggo na siya ay taong 2001 pa nang ng ma-diagnose siyang may bipolar ar disorder, isang kondisyon yon na mayroong “moods moods cycling between high igh and low over time.” ” Ang kanyang partikular ar na kondisyon, , kahit na bipolar II, ay walang kaakibat na extreme highs, kaya naman delikado siya sa depresyon, saad pa sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

Binanggit din ni Carey na sumasailal­im siya sa gamutan, na nakatutulo­ng upang mapakalma niya ang sarili.

Umamin na siya sa publiko, aniya, dahil nais niya na “get to a place where the stigma is lifted from people going through anything alone.”

Hindi si Carey ang unang celebrity na umamin na nakararana­s ng bipolar disorder. Una nang umaming may

kaparehong p g sakit sina Demi Lovato, Catherine Z Zeta-Jones, Jane Pauley at Carrie Fisher, F na nagsiwalat pa ng detalye detaly tungkol sa kanilang karanasan, karana ayon pa rin sa report. Ipinagmala­ki Ip naman ng dating datin asawa ni Carey, si Nick Cannon, ang ginawang pag- amin a ng superstar sa publiko publ tungkol sa sakit nito. “He’s proud of her for fo coming forward and using u her platform for good,” lahad ng source na malapit kay Canon sa ET. “He loves her as the mother of his children and always wants what is best for her.”

 ??  ?? Mariah
Mariah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines