Balita

Beyoncé at Destiny’s Child band mates reunited sa Coachella

-

GINULAT ni Beyoncé ang kanyang fans sa pinakaaaba­ngang pagtatangh­al niya sa Coachella festival nitong Sabado, nang isama niya sa entablado ang dating Destiny’s Child band mates niyang sina Kelly Rowland at Michelle Williams.

Ito ang unang pagtatangh­al ni Beyoncé simula nang isilang niya ang kanyang kambal na sina Rumi at Sir noong Hunyo.

Pinahanga ng DC3 ang manonood nang itanghal ang mga memorablen­g awitin noong’ 90s at early 2000s, gaya ng Say My

Name, Soldier at Lose My Breath, sa ternong black at bronze costume, na kanilang iconic look nang namamayagp­ag pa ang grupo sa charts noon, iniulat ng People.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na isinali ni Beyoncé sina Rowland at Williams sa kanyang high-profile performanc­e — nagtanghal din ang tatlo noong Pebrero 2013 sa kanyang Super Bowl halftime show, ayon pa rin sa report.

Sinimulan ng 36 taong gulang na mangaawit ang kanyang halos dalawang oras na performanc­e set sa pag-awit ng Sorry, Crazy in

Love at Drunk in Love — isinama rin niya ang asawang si Jay-Z para sa rendition ng Déjà Vu.

Ipinagdiwa­ng din ni Queen Bey ang makasaysay­ang headline act sa music festival at sa kanyang sarili: “Coachella, thank you for allowing me to be the first black woman to headline,” aniya, na perpektong introduksi­yon ng Run the World (Girls).

Marking the milestone, kinanta ng superstar ang Lift Every Voice and Sing, na kilala bilang black national anthem.

Sa kabuuan ng kanyang performanc­e, nakalimang palit ng outfit at look si Beyonce, na idinisenyo ni Olivier Rousteing sa tulong ng singer, stylist na si Marni Senofonte, at ng buong team ni Beyoncé.

Ipinaliwan­ag ni Rousteing sa Vogue ang inspirasyo­n sa likod ng look ng superstar, aniya, “Beyoncé is looking for something in a military style” dahil “the shows were all about survivors”, ayon pa rin sa People.

Orihinal na nakatakdan­g magtanghal ang Grammy winner noong Coachella 2017 ngunit hindi niya ito itinuloy dahil sa utos ng doktor, dahil noon ay ipinagbubu­ntis na niya ang kanyang kambal na anak, kaya si Lady Gaga ang nagtanghal para sa kanya.

 ??  ?? Kelly, Beyonce at Michelle
Kelly, Beyonce at Michelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines