Balita

R175- M cocaine lumutang sa CamNorte seas

- Ni DANNY J. ESTACIO

CAMP NAKAR, Quezon – Kinumpirma kahapon ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) director Senior Supt. Rhoderick Armamento na high-grade cocaine ang 35.1 kilo ng droga na natagpuan ng mga mangingisd­a sa karagatan sa hangganan ng Quezon at Camarines Norte nitong Linggo.

Ang nakumpiska­ng cocaine ay may kabuuang halaga na P175 milyon, ayon pa sa QPPO.

Ayon kay Senior Supt. Armamento, ang nasabing bulto ng cocaine ay isinuko ng mga mangingisd­ang sina Jhony Cyde Merluza, 36; Ruben Yanela, 40; Ricks Coros, 36; at Cecilio Amargo, 45, pawang tagaBarang­ay Pinagtubig­an sa Perez, Quezon, kay Senior Insp. Ferdinand Bondad, hepe ng Perez Municipal Police.

Sa police report sinabi ni Senior Supt. Armamento na bandang 9:30 ng umaga nitong Linggo nang makatangga­p ng impormasyo­n ang pulisya mula kay Leonardo Reyes, barangay chairman, tungkol sa pagkakadis­kubre ng mga mangingisd­a ng isang asul na container na namataan ng mga itong palutang-lutang sa Camarines Norte.

Nang buksan ng mga pulis ang container ay natuklasan sa loob nito ang 27 pakete ng droga na umaabot sa 1.3 kilo bawat isa.

Sinabi ni Senior Supt. Armamento na kaagad na dinala ng lokal na pulisya ang kontraband­o sa Provincial Laboratory sa Lucena City para suriin, hanggang nakumpirma­ng high-grade cocaine ito.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Senior Supt. Armamento sa mga pulisya sa coastal areas sa paligid ng Quezon at Camarines Norte na magsagawa ng search operation sa kani-kanilang nasasakupa­n sa posibilida­d na may matagpuan pang droga na kasama ng lumutang na bultu-bulto ng cocaine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines