Balita

Pinoy journo, Pulitzer winner

- Nina ROY C. MABASA at MARTIN A. SADONGDONG

Nagwagi ang isang Pilipinong mamamahaya­g ng prestihiyo­song Pulitzer Prize for internatio­nal reporting, kasama ang dalawa pang kasamahan sa Reuters, kaugnay ng serye ng kanilang pagbabalit­a tungkol sa pagpapatup­ad ng pulisya ng kontrobers­iyal na kampanya kontra droga sa Pilipinas.

Iginawad ng Pulitzer board ang internatio­nal reporting prize sa Pilipinong mamamahaya­g na si Manuel Mogato at sa dalawa pang Reuters reporter na sina Clare Baldwin at Andrew R.C. Marshall, bilang pagkilala sa kanilang “relentless reporting that exposed the brutal killing campaign behind Philippine­s President Rodrigo Duterte’s war on drugs.”

Iginagawad simula 1917, ang Pulitzer Prize ang pinakapres­tihiyosong parangal sa pamamahaya­g sa Amerika.

PRESS FREEDOM

Sa panig ng Philippine National Police (PNP), sinabi nito kahapon na inirerespe­to ng pulisya ang mga organizer ng Pulitzer sa Amerika na nagkaloob ng pagkilala sa grupo ni Mogato dahil sa pag-uulat tungkol sa drug war.

“The PNP respects the judgement of the organizers of the Pulitzer Prize for the award given to Mr. Manny Mogato of Reuters,” saad sa text message ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsal­ita ng PNP, sa Balita.

“While the issue on alleged EJKs (extra judicial killings) remains unproven, we look at his articles within the perspectiv­e of press freedom which is part of the checks and balances of a democratic society,” dagdag pa ni Bulalacao.

Noong nakaraang buwan lamang ay nagwagi rin ang “Duterte’s War” nina Mogato, Baldwin at Marshall sa Investigat­ions category, at kinilala rin para sa Amnesty for the Outstandin­g Impact Award dahil sa “brave reporting that provided key evidence in the campaign against the killings.”

Nanalo rin ang nasabing serye ng Reuters ng Overseas Press Club Award para sa Best Investigat­ive Reporting.

‘SHOCKED’ PERO ‘HAPPY’

Samantala, sinabi ni Mogato sa

Balita na siya ay “very happy”, at “shocked” pa nga dahil siya “did not expect” na magwawagi siya ng nasabing prestihiyo­song parangal sa pagbabalit­a.

Mahigit 30 taon nang mamamahaya­g sa Pilipinas, si Mogato ang political at general news correspond­ent ng Thomson Reuters sa Pilipinas sa nakalipas na 13 taon, at nagbabalit­a tungkol sa pulitika, kalamidad, rebelyon, at internatio­nal diplomacy.

Una na siyang pinarangal­an ng Reuters Journalist of the Year nang mag-ulat tungkol sa kurapsiyon sa casino deal sa Maynila, finalist ng Society of Publishers in Asia (SOPA) noong 2013 sa kanyang coverage sa bagyong ‘Yolanda’ at noong 2017 para sa drug war; at ng Human Rights Press awards para pa rin sa kampanya kontra droga noong 2017.

 ??  ?? Mogato
Mogato

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines