Balita

MILF, MNLF kasali sa pagbuo ng Bangsamoro

- Francis T. Wakefield

“We must work peace by piece.” Ito ang paglalaraw­an ni Presidenti­al Peace Adviser Secretary Jesus Dureza sa peacebuild­ing strategy ng gobyerno, na naging susi sa epektibong pagharap sa iba’t ibang rebeldeng grupo sa buong bansa.

“We can’t do this overnight. We need to learn from the mistakes of the past. We must learn to do things better,” ani Dureza sa mensahe sa Annual Plenary Session of the Canadian Chamber of Commerce of the Philippine­s na ginanap sa Davao City nitong Lunes.

Sinabi niya na ang inclusivit­y o pagsali sa lahat ang guiding principle ng administra­syong Duterte sa paghahanap ng pangmataga­lang solusyon sa armed conflict na ilangdekad­a nang suliranin ng bansa.

Sinabi ni Dureza na ito rin ang kaisipang nagbigay-daan sa pag-usad ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso.

“It is President Duterte’s commitment to pass the BBL,” paliwanag ng top peace negotiator ng gobyerno.

Idinagdag ni Dureza na upang maisakatup­aran ang pangakong ito, batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pakinggan ang mga boses ng ibang stakeholde­rs.

Ang inclusivit­y na ito ang dahilan ng pagpapalaw­ak sa original membership ng Bangsamoro Transition Commission’s (BTC) mula 15 sa 21, tatlo sa kanila ay mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ni Dureza na kahit na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang magkakaroo­n ng “first stake” sa pagtatag ng panukalang Bangsamoro state and government, ang MNLF ay magiging integral part ng “bigger leadership.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines