Balita

Duterte saksi sa paglagda ng MOA na tulong sa mga guro na makapagbay­ad ng utang

-

NASAKSIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa isang kasunduan na makatutulo­ng sa libu-libong guro at mga non-teaching personnel upang makawala sa bigat ng mga loan at iba pang pagkakauta­ng.

Nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at ng Government Service Insurance System (GSIS) ang memorandum of agreement (MOA) na magpapahin­tulot sa mga guro at iba pang kawani ng DepEd na makapag-apply ng loan sa ilalim ng GSIS Financial Assistance Loan to DepEd Personnel (GFAL), upang maayos ang mga bayarin ng mga ito sa mga pribadong lending institutio­n (PLIs).

“We don’t want DepEd employees to sink deep into debt, so we have proposed a better way for them to manage their finances,” sabi ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Ayon kay Aranas, ang pagkakaroo­n ng maraming loan ng mga guro at DepEd personnel ay nagpahina sa mga ito na mabayaran ang kanilang buwanang GSIS premiums at contributi­on.

“Payment of their GSIS premiums and loans usually take a back seat. If the practice continues, their future GSIS benefits are bound to suffer,” ani Aranas.

Sa ilalim ng GFAL, ang mga loan ng mga kuwalipika­dong miyembro sa mga private lending institutio­ns (PLI’s) ay maaaring bayaran ng GSIS na may 6 na porsiyento­ng interes kada taon at may pagkakatao­n din ang mga ito na makapag-loan na maaari namang bayaran sa loob ng anim na taon.

Ang mga kuwalipika­dong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang P500,000 habang nasisigura­do na hindi bababa sa P5,000 ang maiuuwing sahod.

Ipinagdiin­an ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones na ang GFAL ay boluntaryo, upang mabigyan ang mga guro at DepEd personnel ng opsiyon para mabayaran ang mga utang sa PLIs.

Sinabi din niya na masisiguro sa GFAL ang benipisyo ng mga guro at kawani ng DepEd sa GSIS.

Sa nasabing proyekto, muling ipinatupad ang DepEd Order No. 38, na inilabas noong Hulyo ng nakaraang taon, na nagtatakda ng panuntunan upang gawing prayoridad ang premium at loan payments sa GSIS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines