Balita

“Selfie” at pulitika

- Manny Villar

HINDI ko tiyak kung kailan ang eksaktong sandali na mangyayari ang pagbabago. Ngunit unti-unti kong napansin ang pagbabago mula sa pagkakamay­an at paghalik sa sanggol o pagyakap sa nakangitin­g lola hanggang sa pagngiti sa harap ng cellphone. Namamanhid ang aking pisngi dahil sa pagngiti habang kasama ang mga grupo ng tao na nakataas ang kanilang mga cellphone upang kumuha ng selfie.

Ang mga pagbabago sa kultura ay madalas nagmumula sa mga imbensyon at pagbabago sa teknolohiy­a. Ganito nagbago ang daigdig sa paglabas ng imprenta, telebisyon, telepono at ang palasak ngayong cellphone.

Ang selfie ay produkto ng malakas na pagsulong ng informatio­n communicat­ions technology, lalo na ang mobile communicat­ions, na ginawang posible ang pagkuha ng sariling larawan at pagpapadal­a nito sa buong mundo.

Umabot na rin sa pulitika ang kulturang ito. Nang pumasok ako sa pulitika noong 1992, sinabi ko sa aking pangkat na kailangang mapuntahan namin ang buong distrito noon ng Las Piñas at Muntinlupa upang madama ang pulso ng tao. Higit sa pagkamay at paghalik sa mga sanggol, nais ko silang makausap. Sa aking karanasan sa pulitika, natutuhan ko ang halaga ng maikling pakikipag-usap sa mga tindera sa palengke, sa nagtatraba­hong ina, at sa manggagawa sa konstruksy­on upang malaman ang tunay na pangangail­angan ng mga tao.

Ngayon, ang selfie na ang pinakapopu­lar na pag-uugnayan ng mamamayan at pamahalaan.

Gaya ng lagi kong sinasabi, walang pinapaniga­n ang teknolohiy­a – hindi ito mabuti o masama – depende kung paano gagamitin.

Para sa mga pulitiko, dapat gamitin ang teknolohiy­a upang maging demokratik­o ang pamamahala. Sa mga botante, dapat gamitin ang teknolohiy­a upang palakasin ang partisipas­yon ng mga mamamayan. Nakaaantig sa puso kapag nilalapita­n ako ng mga tao upang magtanong o magkuwento tungkol sa kanilang buhay.

Sa isang daigdig na tuloytuloy ang pagbabago, isang bagay ang nananatili: ang pamamahala ay tungkol sa paglaban para sa kapakanan ng bayan, at pagunawa sa pangangail­angan ng mga tao at ng bansa, higit sa selfie o pagkamay.

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com.ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines