Balita

PAGDILA SA APOY

- NI LEONARDO T. BULURAN

Ika-132 labas

NAGSISINUN­GALING na naman si Pedring. Dahil ginabi siya ng uwi, sinabi niyang nagkaroon sila ng staff meeting. Pinalalaba­s niyang may mataas siyang tungkulin sa pinapasuka­ng trabaho. Ang totoo’y nag-overtime siya. Sagad na overtime.

“Bakit mo pa sinasabi ‘yan? Dapat alam mo, impaktong Pedring ka, na wala akong pakialam kung saan ka man manggaling. Saka dapat, kahit madaling araw ka dumating gigisingin mo ‘ko.” “Bakit pa naman?” “Baliw ka pala, e. Pag hindi mo ‘ko ginising, lugi ka. Buwanan ang bayad mo. Pag hindi ka umiskor, sayang!”

Alam ni Pedring, higit sa pangiinsul­to ang ginagawa sa kanya ni Lagring.

“Wala akong pinanghihi­nayangan kahit ano, Lagring. Yung lang bigyan mo ako na pagkakatao­n na maipakita kung gaano kita kamahal, maligayang-maligaya na ako.”

“Nag-artista ka ba, Pedring? Bakit ang galing mo sa drama?”

Saka may naalala si Pedring. Kinuha niya ang isang plastik na lalagyan at iniabot ito kay Lagring. Aniya: “Di ba noon, dinarayo pa natin ito sa kabayanan ng Mauwak?”

Padaskol na kinuha ito ni Lagring. Dahil plastik, nakikita naman niya kung ano ang laman.

Masayang sabi ni Pedring: “Di ba paborito mo ang balut? Alam mo Lagring, hindi ko nakakalimu­tan ang paborito mo.”

Hindi man lamang naisip ni Pedring na gagawin iyon ni Lagring. Malakas na ibinato iyon ni Lagring kasama ang lalagyan sa labas ng bintana. At kinambalan pa iyon ng nanghahama­k na halakhak. Aaa, kaysakit... kaysakit! Simula ng isang bagong umaga kay Mutya. Kinakailan­gan niyang pumasok ng maaga sa pinagtattr­abahuhan niyang sauna parlor. May plano siyang bilhin at kailangan niya ng malaki-laking pera. Naniniwala siya sa lumang kawikaang ingles: Early bird catches the most worms.

Siya ang naka-buena mano sa isa ring napaagang costumer.

Pinagbuti ni Mutya ang masahe na siya lang talaga ang nagmasahe.

Nakabihis na ang parokyano at palabas ng cubicle, nagtanong si Mutya: “Saan ka pupunta?”

“Saan pa” Di aalis,” sabi ng costumer.

“Gano’n? Aalis ka lang basta?”

“Di ba tapos na ang serbisyo mo?”

“E, pa’no ‘yong tip ko?”

“Bayad naman ako sa counter para sa serbisyo mo,a.”

“Kalakaran ang magtip, bossing. Inosente ka ba, Dong?”

“Holdap pala dito!” Dunukot sa bulsa, iniabot kay Mutya.

“Sandaan?” Kandidilat si Mutya. “Tip na ‘to, ha. Baka nabibigla ka? Baka wala kang pamasahe?”

“Di ibalik mo sa ‘kin ‘yang tip ko. Laki-laki na nga n’yan, e.”

Totoo nga yata ang kasabihan: Pag pangit daw ang buena mano, masama rin ang magiging benta mo sa buong maghapon. Kung bakit nga sobrang

Babarat ng mga naging costumer niya sa buong maghapon.

Mag-aalas sais ng hapon, dumating si Princess o Lagring.

“Kumusta ang maghapon mo?” Pangungumu­sta ni Princess.

“Humpt! Ang sama!” Sinabi ni Mutya ang nangyari. “E, ikaw... bakit ka naririto?”

“Ayaw mong dalawin kita?” Umirap si Princess.

“Alam mo Princess.... inggit ako sa ‘yo. Hindi mo na kasi problema ang trabaho.” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines