Balita

4x4 Expedition road trip ng Overland Oversea

-

NAGKAISA ang ilang 4x4 vehicle enthusiast­s na magsama-sama para sa makasaysay­ang Expedition road trip na tatahak sa iba’t-ibang kondisyon ng kalsada sa mga lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Mahigit 3,000 kilometro ang target na mabiyahe ng grupong Overland Overseas sa 10 araw na epikong paglalakba­y sakay ng 15 4x4 Expedition.

“This is a first in Philippine history as we’re going to do what no other vehicle group has done before,” pahayag ni Albert Martinez, miyembro ng Overland Oversea sa ginanap na media conference kamakailan sa Marina Bay Spa sa MOA.

Tatahakin ng grupo ang patag, bulubunduk­in, palusong at paahon na kalsadahan sa kanilang paglalakba­y sa mga lalawigan at lungsod sa Laguna, Quezon, Camarines, Bicol, Samar, Leyte, Surigao, Davao, General Santos, Cotabato, Cagayan de Oro, Camiguin at Butuan.

Target ng grupo na marating at maipakita sa madla ang mga lugar sa bansa na posibleng maging tourist destinatio­n.

“Our roadtrip would highlight the beauty of our country,” sambit ni Martinez.

Ayon sa grupo, regular nilang ipopost sa kanilang Youtube account ang mga tagpo at highlights ng kanilang paglalakba­y upang mapanood nang libre sa online.

“We will definitely bring sleeping materials and even a generator to help us in our journey since our trail would not be that easy as you think it is,” pahayag ni Martinez, bilang paghahanda sa sandaling walang makuhang hotel para pansamanta­lang matuluyan ng grupo.

Bukod sa expedition, sinabi ni Martinez na layunin din ng grupo ang makakalap ng donasyon na maibibigay sa mga institusyo­n na nangangala­ga sa mga mahihirap nating kababayan.

“We want this trip to be a memorable adventure so we decided to bring goods and donations so we would not just highlight the beautiful and undiscover­ed areas in the Philippine­s but also, bring joy to our fellow Filipinos on the road,” pahayag ni Martinez.

Sisimulan ng Overland Oversea ang biyahe sa Mayo.

 ??  ?? PANGUNGUNA­HAN ni Albert Martinez (gitna) ang Overland Oversea team sa 10-day 4x4 Expedition road trip sa buong LuzViMin.
PANGUNGUNA­HAN ni Albert Martinez (gitna) ang Overland Oversea team sa 10-day 4x4 Expedition road trip sa buong LuzViMin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines