Balita

Release ng bagong single ni Ariana Grande, bukas na

-

MALAPIT nang magwakas ang paghihinta­y ng fans ni Ariana Grande.

Nitong Martes ay bumalik na sa Twitter si Grande, 24, at nagpahagin­g sa kanyang followers na malapit na siyang maglabas ng single, ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

Nakasulat ng pabaligtad, nag-post ang songtress ng “Side to Side”, “No Tears Left to Cry” at ang date na “4.20,” na kaagad namang binigyangk­ahulugan ng fans na araw ng release ng kanyang upcoming single. At mukhang walang duda na tama ang hinala ng fans dahil kinumpirma ng manager ni Grande, si Scooter Braun, ang balita sa pamamagita­n ng pag-retweet ng post ng singer at kasama ang caption na, “Friday @ArianaGran­de new single. The wait is almost over.”

Ang huling studio album ni Grande ay noong 2016 pa, ang Dangerous Woman, kahit na naglabas ang songtress ng compilatio­n LP ng kanyang pinakamaga­gandang awitin, at tinawag niya itong The

Best, ayon pa rin sa report ng Entertainm­ent Tonight. Ang kanyang huling single ay ang Somewhere Over

the Rainbow, na inilabas noong Hunyo 2017, bilang suporta sa One Love Manchester, makaraang 22 katao ang mapatay sa pambobomba sa kanyang concert noong Mayo 22, 2017 sa Manchester Arena.

Mula nang maganap ang trahedya ay naging tahimik na ang songtress. Gayunman, nagtanghal siya sa March for Our Lives protest sa Washington, D.C., nitong Marso, kung saan inawit niya ang Be Alright.

 ??  ?? Ariana
Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines