Balita

Van swak sa bangin: 4 nasawi, 8 sugatan P. 5

- Ni RIZALDY COMANDA May ulat ni Fer Taboy

BAGUIO CITY – Apat na katao ang nasawi habang walong iba pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa Sitio Guesset sa Bokod, Benguet, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report ng Bokod Municipal Police, dead on the spot sina Gemalyn Lorenzo, 28, ng Bgy. Ucab, Itogon; Antonio Bulay, 65, ng Bgy. Dadaay, Alilem, Ilocos Sur; at Julie Valencia Umba-as, 52 anyos.

Isinugod naman sa Baguio City General Hospital si Alfedo Bulay, 80, ng Alilem, Ilocos Sur, ngunit dead on arrival na ito.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Fe Consuelo Soriano, 34, ng Bgy. Lower Kitma-Bakakeng, Baguio City; Arsenio Lorenso, 60, ng Ucab, Itogon; Jeralyn Peralta Sab-it, 30; Nelly Joy Yamoyam Soriano, 61, kapwa taga-Bgy. Loakan, Baguio; Julius Binay-an, 43; Ela Sab-it Binay-an, 2, parehong taga-Magsaysay Avenue, Baguio; Corazon Binay-an Bulay, 63, ng Bgy. Alilem, Ilocos Sur; at Joseph Gabino, 47, driver ng van, at taga-Bgy. San Vicente, Baguio City.

Batay sa imbestigas­yon, galing sa Baguio at patungo sa Maddela, Quirino ang mga biktima upang dumalo sa isang family reunion at kasalan nang mangyari ang aksidente, dakong 8:30 ng gabi.

Sa pahayag ni Gabino, driver ng Nissan Urvan, papaliko siya sa sharp curve nang nawalan siya ng kontrol hanggang dumiretso ang sasakyan sa may 12-metrong lalim na bagin.

Ang sasakyan ay pag- aari ni Samneliza Yamoyam Soriano.

Kaagad ding nagrespond­e sa lugar ang rescue volunteers mula sa lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council, Bureau of Fire Protection (BFP) ng Itogon at Bokod, at mga paramedic group mula sa Baguio City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines