Balita

Kris at JoshLia, magsasama sa pelikula

- Ni REGGEE BONOAN

KAHAPONhab­ang patungo si Kris Aquino sa Star Cinema para sa contract signing at story conference niya sa pelikulang gagawin niya ay nag-post siya ng sama ng loob niya sa tatay ng anak niyang si Bimby na si James Yap.

Akala namin ay okay na sina Kris at ex-husband niyang si James dahil sa pagkakatan­da namin ay dinalaw pa ni Bimby ang half-brother niyang si

Michael James ilang buwan pagkatapos ipanganak ng girlfriend ng basketboli­stang si Michella Cazzola.

Ang IG post ni Kris, “Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo “nakakawala­ng ganang mag effort na magpaka-tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciate­d.”

“UTANG NA LOOB, flashback 2013- trying hard kang umiyak (I say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil “pinagkakai­t” ko si Bimb sa’yo. Ay oo nga pala, of course pinag-aksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya.

“Nu’ng tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang “excuse” mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school.

“Sinunod ko ‘ yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag-abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing.

“When Bimb saw the post na BINASTOS sya na “baklain” sya, he shrugged it off & said: “Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?” Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo.

“Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming “power” so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky you are missing out on experienci­ng what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS.

“I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ halftruths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhatyo­umademedo.” Samantala, ang titulo ng pelikulang gagawin ni Kris

ay I Love You Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto mula sa direksyon ni Giselle Andres. As of this writing ay hindi pa napo-post ni Kris ang nangyari sa storycon kaya wala pa kaming masulat bukod sa gahol na kami sa deadline.

Sa susunod na linggo na ang shooting ni Kris Aquino sa nilagdaan niyang pelikula sa Star Cinema kahapon ng tanghali kasama ang non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, Star Cinema head Olivia Lamasan, VP for Star Music, Roxy Liquigan, AdProm

Head, Mico del Rosario kasama ang direktor na si Giselle Andres.

 ??  ??
 ?? Kris, JoshLia at Star Cinema execs ??
Kris, JoshLia at Star Cinema execs

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines