Balita

Short-term employers, totokhangi­n

- TIKLO SA SHABU, ARMAS Genalyn Kabiling ALI VICOY

Iniunsad na ng pamahalaan ang “Tokhang Laban sa Cabo”, ang pinaigting na kampanya laban sa mga kumpanyang nangongont­rata lamang sa kanilang manggagawa.

Ito ay nang bigyan ni Pangulong Duterte si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ng 30 araw upang magsumite sa kanya ng imbentaryo ng mga kumpanyang sangkot sa ilegal na short-term employment.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, ang direktiba ng Pangulo kay Bello ay bunsod na rin ng paniniyak ng Punong Ehekutibo na hindi na siya magpapalab­as ng executive order laban sa endof- contract scheme o “endo” at ipinaubaya na lamang ang usapin sa Kongreso.

“Itong 30 days na ito it’s not just for the list, it’s to tell them to comply otherwise isasara kayo ni Presidente. Talagang magkakaroo­on ng tokhang sa mga kompanya, iisaisahin sila.Tokhang laban sa cabo ito,” pagbabanta ni Roque.

Ang Oplan Tokhang ay ang house-to-house operation ng pulisya upang kumbinsihi­n ang mga drug suspect na itigil na ang kanilang ilegal na gawain at sumailalim sa rehabilita­syon.

Binigyang- diin ni Roque na ang labor- only contractin­g at pangongont­rata sa isang tao na magsu-supply ng mga trabahador sa isang kumpanya, ay kabilang sa mga ipinagbaba­wal na labor code ng bansa.

Iniharap kahapon sa media ni National Bureau of Investigat­ion Spokespers­on Ferdinand Lavin ang 13 armas at mga pakete ng umano’y shabu, na nagkakahal­aga ng P400,000, na nakumpiska sa limang katao sa raid sa isang fishpond sa Hagonoy, Bulacan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines