Balita

Pagdakip kay Clarisse Sister Fox, sinisilip na ng CHR

- Chito Chavez at Argyll Cyrus Geducos

Makikialam na ang Commission on Human Rights ( CHR) sa ginawang pag-aresto at pagdetine ng Bureau of Immigratio­n (BI) sa 71-anyos na Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ito ay makaraang simulan ng CHR ang imbestigas­yon nito sa usapin kasunod ng panawagan ni Fox sa pamahalaan na bigyan siya ng due process.

Nauna nang inihayag ng CHR na “walang batayan” ang pag-aresto kay Fox kasunod na rin ng apela ng huli sa gobyerno sa mandato nito na protektaha­n at itaguyod ang karapatang-pantao ng sinumang mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, lahi, religious beliefs, at ugnayan sa pulitika sa bansa.

Kahapon, pormal nang nakipagpul­ong si Fox sa mga opisyal ng CHR, at nagpahayag ng pangamba ang komisyon na maaaring maging delikadong halimbawa sa mga dayuhang human right workers ang kaso nito.

Nagsilbing misyonero sa bansa sa nakalipas na 27 taon, sinabi ni Fox na maging siya ay nagulat sa naging pahayag ni Pangulong Duterte nitong Miyerkules na inatasan nito ang BI na imbestigas­yon siya sa usaping “disorderly conduct.”

Lalo aniya siyang natakot nang ihayag ng pangulo na “ayaw siya (Fox) nitong magtungo sa bansa”.

May hinala rin si Fox na maaaring hindi tama ang lahat ng impormasyo­ng nakarating sa Pangulo na nagresulta sa pag-aresto at pagkakakul­ong nito.

Naiulat na kaya inalerto ang BI sa pagpasok sa bansa ni Fox ay dahil makikibaha­gi ito sa partisan political activities.

Samantala, pinasinung­alingan naman ng Malacañang ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) na hindi kailanman nagsalita sa mga protest action si Fox.

Bilang katibayan, iniharap ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ang mga litrato ni Fox na may hawak na mikropono sa isang rally na isinagawa ngayong buwan.

“I heard the CBCP say that Sister Fox, although she attends rallies, has not spoken in rallies. Well, I now have a picture and this is taken April 9 in a rally organized by KMU and Gabriela partylist in front of CocaCola Davao City distributi­on center in Ulas, Davao City,” ani Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines