Balita

Dina Bonevie, ayaw makapareha sina Daniel Padilla at James Reid

- Ni NITZ MIRALLES Daniel Dina James

HINDIalam ni Dina Bonnevie na hindi sinasadyan­g nakumpirma niyang boyfriend na ni Erich Gonzales si Mateo Lorenzo.

Sa isang interview, kaswal na nakuwento ni Dina na “cute” at “mayaman” ang boyfriend ni Erich na nakilala niya dahil siguro dumalaw sa taping ng The Blood Sisters.

Magkasama sina Dina at Erich sa nasabing soap ng ABS-CBN at si Dina, bilang si Debbie Bermudez-Almeda, ang ina ng triplets na ginagampan­an ni Erich. Dagdag pang kuwento ni Dina, masaya sila sa set ng soap.

“Para kaming family, lukuhan lang ‘pag walang eksena. Everybody is profession­al. Si Erich, hindi nanghihing­i ng tips on acting dahil magaling na siya. Nakasama ko na siya sa Two Wives, ang bilis niyang umiyak at kaya ang different characters. We don’t talk about acting, what we talk about is life itself, love life and business. Sa acting hindi dahil sabi ko nga, magaling na siya,” pahayag ni Dina. Anyway, under LVD Management ni

Leo Dominguez si Dina at mukhang mas magiging active ang aktres dahil nabanggit na okay sa kanya ang reunion movie with

Snooky Serna and Maricel Soriano na

nakasama niya sa Regal Films movie na Underage.

May nabanggit si Direk Joel Lamangan na gusto niyang gawin ang Overage na sina Dina, Snooky at Maricel pa rin ang mga bida. Comedy daw ang movie, okay ba ito kay Dina?

“Maganda yan, why not? Dapat nga kasama ko si Maricel sa isang soap, hindi lang natuloy. Why not? Never naman kaming nag-away noong mga bata pa kami,” sagot ni Dina.

Nakakatuwa ang sagot ni Dina sa tanong kung sino sa mga batang aktor ang gusto niyang makapareha. Matatandaa­ng nakapareha niya si Gary Estrada noong baguhan pa lang ang aktor.

“Dapat borta ang katawan ng makakapart­ner ko. Why not Matteo Guidicelli o Enrique Gil, Tom Rodriguez o Ejay Falcon. Huwag lang si Daniel Padilla, baka magmukha akong lola niya. ‘Wag din si James Reid, mas maganda siya sa akin. Ang ganda-ganda kaya ni James,” sagot ni Dina.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines