Balita

Cat fight nina Kyline at Bianca, trending

- Ni NORA V. CALDERON

UMANIng papuri sa netizens at nagtrendin­g sa Twitter ang episode ng Kambal Karibal na #KKPagtutuo­s, last Thursday evening, sa muling pagkikita ng kambal na sina Crisan ( Bianca Umali) at Crisel ( Kyline Alcantara). Laban kung laban ang kambal na galit sa isa’t isa. This time kasi, si Bianca na ang kontrabida at si Kyline na ang bida.

Ang kaluluwa kasi ni Crisel ang nasa katawan ni Bianca, at kaluluwa naman ni Crisan/Cheska, ay nasa katawan ni Kyline. Takot si Crisel na unang makita ng parents nila si Crisan/Cheska at malaman ang totoo, kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para siya ang unang makapaghar­ap kay Crisan/ Cheska sa parents nila at sa mga pulis at maipakulon­g ito dahil inakusahan niya si Cheska na kasapakat ni Raymond ( Marvin Agustin) sa pagpatay sa lolo Manuel ( Christophe­r de Leon) nila.

Hindi ba nahirapan sina Bianca at Kyline na i-execute ang cat fight nila sa jeep?

“Medyo po mahirap dahil hinabol ko at hinila ko talaga si Kyline mula sa loob ng jeep,” sabi ni Bianca. “Pero nag-usap po muna kami ni Kyline kung paano ang gagawin namin dahil after ko siyang mahila, nag-away pa kami sa kalye.”

“Hindi po maiiwasan ang magkasakit­an kami pero para po iyon sa ikagaganda ng eksena,” sabi ni Kyline. “Nag-sorry kami sa isa’t isa after the take na tuluy-tuloy po walang cut.”

Nagpasalam­at sina Bianca at Kyline sa televiewer­s na nag- join sa Twitter party para mag- trending ito. Ilan nga sa tweets nila na sana raw ay huwag munang matapos ang serye na nagtatampo­k din kina Carmina Villarroel, Alfred Vargas, Jean Garcia, Miguel Tanfelix, Jeric Gonzales at Cheska Salcedo. May nag-tweet din na sana tulad ni Bianca ay bigyan rin ng lead role si Kyline, hindi na bilang kontrabida.

Huwag mainip ang fans ni Kyline dahil balitang after Kambal Karibal, bibigyan na siya ng sariling soap na siya na ang bida. Naipakita raw kasi ni Kyline ang husay niya sa pag-arte, bida man o kontrabida.

Mapapanood ang Kambal Karibal gabi- gabi pagkatapos ng Sherlock Jr.

 ?? Bianca at Kyline ??
Bianca at Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines