Balita

Ang mga ex ni Prince Harry: The ones that got away

-

BAGOsiya na- in love sa American actress na si Meghan Markle, nakailang girlfriend­s si Prince Harry, 33.

Narito ang ilan sa mga babae na nagkaroon ng pagkakatao­n na sana’y maging prinsesa. First love, Chelsy Davy. Nakilala ni Harry si Chelsy, ang Zimbabwean­born daughter ng isang millionair­e safari operator, noong 2004 nang magtungo siya sa South Africa. Nag-aral si Chelsy sa Cape Town, bago ipinagpatu­loy ang kanyang post-graduate studies in law sa English city ng Leeds.

Blonde and gregarious, mahilig din siya sa partying tulad ng batang prinsipe. Dahil dito ay naging paborito sila ng British tabloids, at sinundan ang kanilang bawat galaw – at mga kapilyuhan ni Harry -- na kalaunan ay inamin ni Chelsy na mahirap.

Naging on and off ang kanilang relasyon sa loob ng pitong taon at matapos siyang dumalo sa ilang major royal events, lalo na sa kasal noong 2011 ng nakatatand­ang kapatid ni Harry na si Prince William, naging maugong ang mga espekulasy­on na sila ay magpapakas­al.

Kalaunan ng taon ding iyon ay tuluyan na silang naghiwalay, ngunit nanatiling mabuting magkaibiga­n at iniulat na imbitado si Chelsy sa kasal nina Harry at Meghan sa Mayo 19.

Nagtrabaho si Chelsy sa isang top law firm bago inilunsad ang kanyang sariling luxury jewellery firm.

Natalie Pinkham, old friend. Nahila sa limelight ang sports presenter, walong taon ang tanda kay Harry, nang ilathala ng The Sun tabloid ang litrato ni Harry na nakahawak sa kanyang dibdib.

Kuha ito sa isang party noong 2003, ngunit tatlong

taon pa ang lumipas bago ito lumabas sa publiko.

Kilala ang dalawa na magkaibiga­n ngunit may mga balita na nagkaroon sila ng panandalia­ng relasyon. Florence Brudenell

Bruce, summer fling. Iniulat na nakipag-date si Harry sa aristocrat­ic model na si Brudenell-Bruce, kilala sa kanyang mga kaibigan bilang si “Flee”, matapos makipaghiw­alay kay Chelsy. Dating kasintahan ng Formula One champion na si Jenson Button, na nagmomodel­o para sa fashion labels at lingerie firms, at nakilala si Harry nang makipag— cool sa multi- millionair­e na si Henry St George, na kalaunan ay kanya ring pinakasala­n.

Cressida Bonas, the nearly fiancée. Dalawang taong naging kasintahan ni Harry ang British dancer and actress na si Cressida Bonas, ngunit nagtapos ang kanilang relasyon dahil nahihirapa­n ang huli sa buhay sa spotlight.

Sinasabing ipinakilal­a sila sa isa’t isa ng pinsan ni Harry na si Princess Eugenie, at unang nakitang magkasama noong July 2012.

Ang ina ni Cressida ay si Lady Mary-Gaye Curzon, darling ng London social scene noong 1960s na ang ama ay ang namayapang si Richard Curzon, isang earl.

Matindi ang mga espekulasy­on tungkol sa kanilang pagpapakas­al nang dumalo sina Harry at Cressida sa isang official engagement na magkasama, ngunit naghiwalay sila pagkatapos nito.

Simula noon ay tumanggi si Cressida na magsalita tungkol sa kanilang relasyon, sinabi na nakatuon ang kanyang atensiyon sa acting. Gayunman, iniulat na imbitado rin siya sa kasal nina Harry at Meghan.

 ?? Prince Harry at Meghan ??
Prince Harry at Meghan
 ?? Chelsy ??
Chelsy
 ?? Natalie ??
Natalie
 ?? Florence ??
Florence
 ?? Cressida ??
Cressida

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines