Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-135 labas

- Ni LEONARDO T. BULURAN R.V. VILLANUEVA

NAGSAMAsi Princess ng suki niya sa massage parlor sa mismong apartment nila. Doon mismo sa kuwarto nila ni Pedring.

“Sampol naman, Princess. Pampagana.”

Ang sampol ay ang sandaling pagbaba ng panty para ipakita ang personal. Ibinigay ni Princess ang sampol. “Ang bilis naman!” Nginig pati boses ni Arman. “Sana, nag-init man lang ako.”

Nang bigla, makarinig sila ng ugong ng traysikel. Na huminto. Napansin iyon ni Arman. Sabi: “May tao yata, Princess.”

“Baka ang ka-share ko ‘yon dito,” kaswal na tugon ni Princess.

“Teka,” sabi ni Arman. Hindi yata natin naisusi ang pinto sa labas. Ikakandado ko.”

“Hindi mo isasara ang pinto, Arman.”

“Pa’no kung pasukin tayo? Kala marahil ni Arman,babae. “Nakakahiya naman yata.”

Magsasalit­a pa si Arman, tumawag ang dumating. Ganoon na lamang ang sindak ni Arman.

“Lalaki ang… ka-share mo rito, Princess?”

Bago nakapagbuk­as ng pinto ng kinaroroon­an ng silid nila ang dumating, biglang humiga sa kama si Princess. Wala namang ginawa si Arman. Tinangka ni Arman na magbihis pero bago nagawa iyon, bumukas ang hindi nakasusing pinto.

Kandidilat si Pedring. Bigla, nagliliyab ang mga mata at nagpupuyos ang mukha sa galit.

Susugurin ni Pedring si Arman, biglang balikwas at pumagitan si Princess. “Pedring! Tumigil ka!”

“Papatayin ko ang lalaking ‘yan!” sigaw ni Pedring.

Humadlang si Lagring. “Ano’ng pakelam mo, magdala man ako ng suki rito?” Hayop ka, kasunduan natin… wala tayong pakialaman sa gawain nating personal.”

Pero bigla’y nawala ang tapang ni Lagring. Sinampal ba naman siya ni Pedring. Natauhan naman si Arman, kumaripas ng takbo.

ARAW ng Lunes. Araw ng pahinga ni Mutya. Naiisip niya si Lagring. Nalulungko­t siya. Masaya rin naman siya kung naiisip na may nagbabahay na rito. May kutob siyang napapaliga­ya ni Pedring ang kanyang kaibigan.

Bahagya pa siyang nagulat nang may kumatok. Si Lagring pala. Matagal na silang magkaharap, wala pa silang kibuan. Hindi natiis ni Mutya. “Napasyal ka, Bruha? Kumusta na kayo ni Pedring?

“Huwag mo na ngang mababanggi­t ang pangalan ng hayupitong ‘yon!”

Hindi nakakibo si Mutya. Napakunot-noo lang.

“Lilipat na uli ako rito, Mutya. Welcome pa naman ako rito, di ba?

“Teka lang. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Pedring?”

“Ako muna ang sagutin mo. Ayaw mo na ba akong makasama rito?”

“Wala namang problema do’n. Pero bago ‘yon… ‘yong problema nyo ni Pedring. Magkaibiga­n tayo. Ang problema mo, problema ko.”

Sa kapipilit ni Mutya, ikinuwento ni Lagring ang nagyari sa kanila ni Pedring.

“Napakahayo­p talaga ng Pedring na ‘yon… napakahayu­p!”

Umiling-iling si Mutya. “Kung tutuusin nga, Princess… Lagring, kulang pa ang ginawa sa iyo no’ng tao.”

“A-ano? Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nasa poder ka no’ng tao. Ibinabahay ka. Para na kayong magasawa no’n. Tapos… magdadala ka ng lalaki sa mismong kuwarto ninyo. Aba, Princess… nasa’n ang katwiran mo?” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines