Balita

Reyes, bumawi sa Malolos moto race

-

TINIYAK ni Wenson Reyes na hindi niya bibiguin ang mga kababayan matapos pangunahan ang premyadong Kids 65cc upang kunin ang pangkalaha­tang titulo sa Mayor Christian Natividad mini-motocross series Sabado sa Malolos Sports and Convention race track.

Pinakita ni Reyes, 11 at Grade 6 student ng St Paul College sa Sta. Maria, Bulacan ang husay niya sa harap ng mahigit sa 1,000 nagsisigaw­ang miron upang bawian si David Malgapo ng Isabela. Tinapos ni Reyes ang serye na may dalawang panalo at isang runnerup.

Ginulat ni Malgapo si Reyes at ang mga nanonood na Bulakenyo sa ikalawang yugto ng serye. Kinuha ng deterninad­ong si Malgapo ang unang puwesto matapos malito si Reyes na nagkamali ng daan sa unang liko ng karera.

Ngunit, sa ikatlo at huling karera na inorganisa ni Pastor Sam Tamayo na siya ring hepe ng Mx Messiah Fairground­s ay walang dudang kay Reyes ang titulo.

‘‘ We’ve seen the future of Philippine motocross,’’ sabi ni Tamayo na pinasalama­tan si Mayor Natividad at iba pang mga isponsor sa kanyang suporta.

Kinumpleto ni Reyes ang kanyang dominasyon matapos kunin ang unang puwesto sa Kids 65cc (10-12) at Kids 85cc para sa mga 12 year-old at pababa.

Nagpasikla­b din si Xyxy Maximo sa All Girls (9 and below) at sa 50cc (7-8 years old).

Namayani si Quiana Reyes, ate ni Wenson, sa All Girls (14 and below).

Kampeon si Joshua Tamayo sa Yamaha PW50 (4-6 years old); nanalo si Shana Tamayo sa MMF Academy (7-9 years old); numero uno si Christophe­r Mercado sa Yamaha Pw50 (6-8 years old) at nanguna si Khim Yumul sa 10-12 years old category ngr MMF Academy.

 ??  ?? ITINAAS ni Wenson Reyes ang tropeo sa matikas sa podium finish.
ITINAAS ni Wenson Reyes ang tropeo sa matikas sa podium finish.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines