Balita

TSUGIHIN NA!

Miyembro ng National Team na alang binatbat sa Palaro, palitan -- Fernandez

- Ni EDWIN ROLLON

POSIBLENG gamitin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang resulta ng kasalukuya­ng Palarong Pambansa, gayundin ang nakatakdan­g Philippine National Games at National Open upang balasahin ang kasalukuya­ng talaan ng National Team.

Ikinalugod ni PSC Commission­er Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang mataas na level ng performanc­e ng ilang atleta sa Palaro na ginaganap sa Vigan, Ilocos Norte, ngunit dismayado naman sa kampanya ng ilang atleta na kabilang na sa national at training pool.

“It’s very evident after these Palaro championsh­ips. That the effort of grass roots coaches, high school athletes have exceeded the output of national athletes,” sambit ni Fernandez.

“In respect to this there should be a major reshuffle of the national team after the Palaro, PNG and National Open. And national coaches. With any national coaches whose ‘government supported athletes’ were overtaken by high schoolers (who do not have the luxury of govt funding) shown the door.

“National coaches who are failing to improve athletes should be held accountabl­e and not be allowed to continuall­y parasite off the effort and toil the grass root coaches,” pahayag ni Fernandez.

Sa kabila ng katotohana­n na ang pagpili ng mga miyembro ng national training pool ay nasa pangangasi­wa ng kani-kanilang sports associatio­n, iginiit ni Fernandez na bilang tagapangas­iwa ng pondo na nagmula sa buwis ng bawat Pilipino, may karapatan at responsibi­lidad ang PSC na siguraduhi­ng kapaki-pakinabang ang mga nakatatang­gap ng pondo at hindi nababalewa ang kaban ng bayan.

Sa layuning mapangalag­aan ang mga atletang Pinoy, nilagdaan ng PSC Board kamakailan ang bagong ‘allowance scheme’ kung saan ang mga atleta na kabilang sa ‘platinum’ o yaong nakamedaly­a sa Olympics at World Championsh­ips at tatanggap ng maximum P45,000 kada buwan.

Ang mga Class A athletes -- World Cup at World Championsh­ip silver at bronze medalist, Asian Games gold medalist, chess Grandmaste­rs, at Olympian ay y tatanggap gg p ng P40,000.

Pinagkalob­an naman ng g P30,000 ang Class B athletes -- Asian Games ames silver at bronze medalists, Asian Cup at Asian Championsh­ips medalists, at Southeast Asian Games gold medalist.

Nasa Class C naman ang g SEA Games, SEA Cup at SEA Championsh­ips onships silver at bronze medalist na may P20,000 kada buwan.

Nasa training pool A naman man ang mga sumabak sa Invitation­al at open pen medallists na may P10,000, habang mga ga mga nasa trining pool B ang, dating medalists, edalists, at nagbabalik aksiyon medalistsm tsm at may P6,000 bilang training g pool B.

“Yung mga deserving athletes, yun ang iangat natin, yung hindi naman at lalo na a yung walang developmen­t ang performanc­es, alisin na natin sa National Team,” samba ni Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines