Balita

‘Mahalin natin ang nagiisa nating tahanan’

- Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalah­anan kahapon ng Simbahan ang publiko na mahalin at alagaan ang kalikasan, na ating natatangin­g tahanan, kaugnay ng pagdiriwan­g ng Earth Day ngayong Linggo.

Ayon kay Tuguegarao City Archbishop Sergio Utleg, labis na ang dinaranas na kalupitan ng kapaligira­n dahil sa walang habas na pagkonsumo ng tao.

Iginiit rin niya na mahalagang mahalin, linisin at ibalik ang balanse ng daigdig dahil ito lamang ang nagiisang tahanan ng lahat ng nilalang ng Panginoon.

“Let us take care of our common home, our mother Earth. Wala na tayong ibang tahanan kundi itong mundo natin. Ito ay bigay, regalo sa atin ng Diyos. Mahalin natin, linisin natin, pagandahin natin at alagaan natin,” sinabi ni Utleg sa panayam sa kanya ng Radyo Veritas.

Samantala, binigyang-diin naman ni Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit ang kahalagaha­n ng pagkakaisa ng lahat ng tao, anuman ang relihiyon o katayuan sa buhay, upang magampanan ang responsibi­lidad na pangalagaa­n ang daigdig.

“Ang nag-iisa nating tahanan ay bahagi talaga ng ating responsibi­lidad na pangalagaa­n, at hindi lamang basta pangalagaa­n kundi itaguyod bilang isang tahanan. As far as I know pag tahanan mo, you keep it clean, and make sure that it is maintained,” ani Maralit.

“I hope everybody will be part of this celebratio­n of the Earth Day and not only on Earth Day but a total, total talagang pagko-consider, pag-alala, pagbibigay ng kakayahan nating lahat to take care of this single home that we have,” dagdag pa ng obispo.

Para sa ika-48 World Earth Day, magkakaroo­n ng pagtitipon sa CCP Complex sa Pasay City, bukod pa sa magdaraos ng mga workshops sa iba’t ibang parokya ng Archdioces­e of Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines