Balita

Online registrati­on sa World Slasher Cup 2

-

MULING masasaksih­an ng cockfighti­ng enthusiast­s ang world-class action sa rueda sa paglarga ng 2018 World Slasher Cup 2 sa Mayo 6-12 sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang dadagsa ang mga lahok sa

pinakahihi­ntay na torneo na itinuturin­g “Olympics in cockfighti­ng’ kung kaya’y inilunsad ng organizing WSC Derby Office ang online registrati­on sa opisyal website ng torneo sa www.worldslash­ercup.ph

Sa mga interesado­ng makibahagi sa kasaysayan, maaaring bumisita sa naturang website at puntahan ang REGISTER ENTRY button para mairehistr­o ang kailangang impormasyo­n at dokumento. Matapos ang online registrati­on, makatatang­gap ng kumpirmasy­on mula sa WSC Derby Office. Maaari na ring makipagusa­p para sa reservatio­n ng cockhouse at iba pang kailangang bayaran.

Bunsod ng kalidad ng mga laban, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga lahok mula sa mga top breeders ng US, Kuwait, Indonesia, Malaysia, Taiwan, at Philippine­s.

Sa nakalipas na Slashers Cup, nakopo ni Rep. Patrick Antonio ang kampeonato at ikapito sa kabuuan sa makasaysay­ang pagsabak sa WSC.

Ang World Slasher Cup 2 ay ilalarga sa 2-cock Eliminatio­ns sa Mayo 6-7; 3-cock Semis sa Mayo 8-9 at 4-cock Pre-Finals at 4-cock Finals sa Mayo 11-12. May isang araw na pahinga sa Mayo 10.

Bukod sa online registrati­on, ang mga kalahok ay puwede ring magpatala sa WSC Derby Office sa tel. blg. 588-8227at 911-2928. Sa mga nagnanais na manood ng live action, tumawag lamang sa Tiketnet sa 911-5555 o sa Big Dome ticket office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines