Balita

CSJP, sasabak sa MBL Open

-

TULOY ang pagsulong ng College of Saint John Paul – ang back- to- back champion sa Rizal Technologi­cal Vocational Schools Associatio­n ( RTVSA).

Sa pangunguna ni dating University of Manila standout Amante “Kiko” Flores, ang CSJP Mighty Lions ay lalahok sa 2018 MBL Open basketball championsh­ip sa Central Colleges of the Philippine­s gym sa Sta. Mesa, Manila.

Si Jayniel Ilac, nahirang na Most Valuable Player sa nakalipas na RTVSA tournament, ay magpapakit­ang gilas para sa Mighty Lions, na sasabak sa MBL sa unang pagkakatao­n.

“Magandang pagkakatao­n ito para sa amin ( CSJP). Masusubok ng husto ang mga players laban sa mga mas experience­d players ng ibang teams sa MBL,” pahayag ni Flores, star guard ng back- toback NAASCU champion UM Hawks.

Pinapuriha­n ni Flores sina CSJP president Cherry Lyn Mendoza, vice president Dr. Marmelo Abante at school directress Ma. Lydia Cagang sa kanilang patuloy na suporta sa team.

“Malaking tulong sila sa pagpapalak­as pa sa programa sa sports sa aming paaralan,” aniya.

Bukod kay Ilac, ang iba pang mga miyembro ng Cainta-based team ay sina Ryan Cuenca, Adrian Olea, Ranie Raymundo, Bien Dolar, Jaemielle Ilac, Job Geca, Mark Lester Nacion, Martin Gozum, Benjie Jimenez, Edward Andrade, Miguel Balena, Marco Balena, Jeric Resano at Benedict Villar.

Kasama din niya sina Jhong Cubo, Rendell dela Rea, Carl Valdevilla at Athan Rojas.

Ang iba pang mga inaanyayah­ang teams ay ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel (Jimi Lim/Boni Garcia ); FEU-NRMF (Nino Reyes): Philippine Christian University (Dr. Junifen Gauuan/Dra. Martha Ijiran/ Elvis Tolentino); Diliman College (Sen.Nikki Coseteng/Rensy Bajar); Trace College (Nomar Isla); Caloocan Supremos (John Kallos/Mayor Oca Malapitan); at Philippine Coast Guard ( Adm. Elson Hermogino/ Mark Acolicol).

 ??  ?? Ang College of Saint John Paul Mighty Lions.
Ang College of Saint John Paul Mighty Lions.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines