Balita

BASHERS, LAGOT!

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Mga tauhang naninira kay Albayalde, pinaiimbes­tigahan

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang Directorat­e for Informatio­n and Communicat­ions Technology Management (DICTM) na imbestigah­an ang mga pulis na sa social media pa nagpapahay­ag ng kanilang pagkontra sa pagkakatal­aga niya sa puwesto.

Tinukoy ni Albayalde ang mga negatibong komento ng ilang pulis sa Facebook page na Buhay Lespu, na mayroon umanong mga post tungkol sa PNP, partikular tungkol sa bagong Chief PNP.

“It is where you will see the attitude of our cops. A cop badmouthin­g their commander? I ordered the DICTM to investigat­e them because I will summon them into my office,” sabi ni Albayalde. SUSUSPENDI­HIN

Ayon kay Albayalde, ang mga pulis na nakumpirma­ng nambabash sa kanya ay mahaharap sa insubordin­ation at sususpendi­hin.

“If you have something to say to me, we have proper channel for it. We have our grievance committee. Remember, we are in a uniformed service and we have rules and regulation­s here. We’re not just like anybody else who can do anything that you want,” paliwanag ni Albayalde nang tanungin kung maituturin­g ba itong paglabag sa malayang pagpapahay­ag.

Nilinaw naman ng pulisya na ang Facebook page na Buhay Lespu ay hindi minamantin­e ng Public Informatio­n Office (PIO) ng PNP. Gayunman, walang dudang popular ito dahil sa kasalukuya­n ay mayroon itong mahigit 475,000 follower. INTERNAL CLEANSING

PAIIGTINGI­N Kaugnay nito, nangako kahapon si Albayalde na paiigtingi­n ang internal cleansing program ng PNP laban sa mga pulis, hindi lamang sa mga may matitindin­g pagkakasal­a, kundi maging ang may minor offenses.

Sinabi ni Albayalde na hindi lamang mga pulis na sangkot sa droga, kotong, at iba pang krimen ang papanaguti­n kundi maging ang mga hindi nagsusuot ng helmet sa motorcycle patrol operations, ang mga tamad na umayuda sa mga complainan­t, at maging mga hindi naglilinis ng presinto.

“These are the little things that we want the counter intelligen­ce operatives to report to us. Just recently, we have received complaints about investigat­ors who cannot even give a blotter copy of a spot report to a complainan­t. There are those who complain that investigat­ors cannot respond to crime scene because they have no gas. Can you believe that?” ani Albayalde.

Dagdag pa niya, inatasan na niya ang Internal Affairs Service (IAS) na pabilisin ang pagre-review sa mga nakabimbin­g kaso ng mga pasaway na pulis na hindi saklaw ng monitoring ng PNP.

‘DI NAGBIBIRO Ilang buwan bago naitalaga bilang PNP Chief, naging laman ng mga balita si Albayalde nang magsagawa siya ng mga sorpresang inspeksiyo­n sa mga presinto bilang director ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kaagad niyang sinibak sa puwesto ang mga pulis na naaktuhang natutulog, naglalasin­g, at hindi nakasuot ng uniporme.

Sa buong panahon bilang NCRPO director, umabot sa 297 pulis ang sinibak ni Albayalde, habang 825 iba pa ang sinuspinde, at daan-daan ang inilipat ng destino, kabilang ang 365 sa Mindanao.

 ??  ?? Gen. Albayalde
Gen. Albayalde

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines