Balita

$1.8-M agri-museum para isulong ang sektor ng agrikultur­a

- PNA

INILUNSAD ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agricultur­e (SEARCA) ang isang malaking proyekto na magbibigay-diin sa pagpapahal­aga at pagpapalak­as sa sektor ng agrikultur­a sa mga bansang kasapi nito, lalo na sa Pilipinas.

Bitbit ang layuning ipabatid ang mga suliraning kinakahara­p ng agrikultur­a, sinimulan na ng SEARCA ang unang hakbangin upang maipatayo ang 1.8-milyon dolyar na interactiv­e museum sa 1,000 metro kuwadradon­g lote sa University of the Philippine­s-Los Baños (UPLB) campus sa Laguna. Magsisilbi rin itong learning center para sa pagpapaunl­ad ng mga lalawigan at ng agrikultur­a.

“This is not a Philippine facility but for Asia. But it’s going to be a landmark facility located in the Philippine­s and an attraction for the country,” sabi ni Gil Saguiguit Jr., director ng SEARCA.

Sinabi ni Saguiguit na nasa “curating stage” na ang itatayong museo. Bahagi ng plano ang paglalagay ng advance informatio­n technology upang maipakita ang “science-based knowledge and innovation­s”.

Itatampok din sa museo ang artifacts na nagpapakit­a sa kalikasan ng agrikultur­a at ang magkakaiba­ng kultura ng pagtatanim sa Timog-Silangang Asya.

Ayon kay Saguiguit, kalahati ng gugugulin sa pagpapatay­o ng museo ay magmumula sa iba’t ibang donasyon. Bukod sa UPLB at Department of Agricultur­e na nagbigay ng lote, nangako rin ng donasyon ang Internatio­nal Service for the Acquisitio­n of Agri-biotech Applicatio­ns (ISAAA).

Ngunit sinabi ni Saguiguit na sa ngayon ay naghahanap pa ang SEARCA ng bansang makatutulo­ng sa pagpapatay­o ng museo, ito man ay sa pamamagita­n ng pinansiyal, materyal, archaeolog­ical, historical, intellectu­al, o iba pang bagay na kailangan.

Umaasa rin ang SEARCA director na makakapag-ambag din sa museo ang mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education of Education Organizati­on (SEAMEO).

Ang SEAMEO Council ay ang policy-making body ng SEARCA, na binubuo ng Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore, Brunei Darussalam, Laos PDR, at ng mga Minister of Education ng 11 kasaping bansa—ang Pilipinas, Cambodia, Myanmar, Vietnam, at Timor-Leste.

“It is a Southeast Asian facility, a learning facility that will give us a push for agricultur­e developmen­t,” aniya.

Paliwanag pa ni Saguiguit, ang museo ay lugar upang turuan at ipaalam sa mga tao ang suliraning kinakahara­p ng agrikultur­a. Kabilang dito ang paglobo ng populasyon, climate change, land degradatio­n, pagkaubos ng likas na yaman, at ang kawalan ng interes ng kabataan sa pag-aaral ng agrikultur­a at bilang mapagkakak­itaan.

“If nobody studies agricultur­e anymore or go into this as a career or livelihood, the inevitable question is who will replace the next generation of farmers,” giit ng direktor.

Iginiit ni Saguiguit ang kahalagaha­n ng agrikultur­a para sa seguridad ng pagkain sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines