Balita

Ilang barangay, walang kandidato sa SK?

WEH, ‘DI NGA?!

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Ipinabeber­ipika na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ulat na ilang barangay sa bansa ang wala kahit isang naghain ng certificat­e of candidacy (COC) para sa Sanggunian­g Kabataan (SK) elections.

Aminado naman si Comelec Spokesman James Jimenez na mababa ang naging turnout ng COC filing para sa mga posisyon sa SK, subalit ibang kaso na, aniya, kung wala talaga kahit isang naghain ng kandidatur­a sa isang barangay.

“Bina-validate pa rin ‘yung claim na walang kandidaton­g tatakbo (sa ilang lugar). Alam natin, kaunti lang ang kandidato, alam natin na baka may mga lugar na isa lang ang kandidato. Pero ‘yung sabihin na walang kandidato at all – that might be a different story. Kailangan ma-validate muna ‘yan bago tayo magdesisyo­n tungkol sa issue na ‘yan,” sinabi ni Jimenez sa isang panayam sa radyo.

Sinabi rin ni Jimenez na sakaling mapatunaya­ng mayroon ngang mga barangay na walang kandidato para sa halalan sa SK, maaaring bumuo na lamang ng Local Developmen­t Youth Council (LDYC) na magsisilbi­ng pansamanta­lang kinatawan, alinsunod sa SK Reform Act of 2015.

“Ayon sa kanila (Department of Interior and Local Government), pansamanta­lang wala munang SK official sa lugar na ‘yun. LYDC ang tatayong representa­tive ng kabataan,” ani Jimenez.

Sinabi pa ng opisyal na tinatalaka­y na ang Comelec en banc ang pinakamain­am na hakbangin sa isyu.

Sa ngayon, aniya, ay hindi pa tapos ang screening ng Comelec sa lahat ng isinumiten­g COC, ngunit inaasahang makukumple­to na ito bago magsimula ang campaign period sa Mayo 4.

Batay sa tala ng Comelec, nasa kabuuang 1,140,987 COC ang naihain para sa Barangay at SK elections, mula sa 1,625 lungsod at munisipali­dad.

Sa naturang bilang, 418,906COClama­ng ang naihain para sa SK, gayung 335,584 na posisyon ang pupunan sa Mayo 14.

Nasa 722,081 naman ang naghain ng COC para sa 335,584 na barangay position, kabilang ang 87,127 para sa barangay chairman at 634,954 para sa kagawad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines