Balita

3 dedo, 3 sugatan sa sunog sa QC

- Ni JUN FABON

Tatlong katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan at 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City, dakong madaling araw kahapon.

Base sa report ni Quezon City Fire Marshall Senior Supt. Manuel M. Manuel, kinilala ang mga nasawi na sina Paulina Santos y Bernardino, 55 anyos; Rachel Ann Santos, 24; at Raizel Redito, 10, pawang nakatira sa Roque 1 Extension sa Bgy. Pasong Tamo.

Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) Chief of Operations, Chief Insp. Rosendo Cabillan, ang mga nasawi ay nakulong sa lumalagabl­ab na apoy.

Nasugatan naman sa sunog sina Juanita Redito, 65; Mark Gabriel Ledesma, 27; at Antonio Entico, 62, pawang residente rin sa nasabing lugar.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan matapos magtamo ng 2nd degree burns sa kanilang katawan.

Ayon sa arson probers ng BFP, dakong 11:43 ng gabi nang sumiklab ang apoy mula sa gatong na kalan sa kusina ng ikalawang palapag ng bahay ng mag-asawang Raymund at Soledad Redito.

Mula sa bahay ng mag-asawa, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang 15 pang bahay.

Nabatid naman sa kapitbahay na si Danila Garcia na narinig niya ang sagutan at pag-aaway ng magasawa sa loob ng bahay ng mga ito bago sumiklab ang sunog.

Sa pagrespond­e ng 18 fire truck mula sa BFP at volunteer fire brigade, naapula ang sunog bandang 12:55 ng madaling araw.

Nabatid naman kay SFO2 Rolando Valena na magkakamag­anak ang nasunugan, at nasa P150,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

 ?? MARK BALMORES ?? BAKA MAY MAISASALBA PA Binalikan ng mga nasunugan ang mga naabo nilang bahay sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City, ilang oras makaraang maabot ang 15 bahay sa lugar, kahapon. Tatlo ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente.
MARK BALMORES BAKA MAY MAISASALBA PA Binalikan ng mga nasunugan ang mga naabo nilang bahay sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City, ilang oras makaraang maabot ang 15 bahay sa lugar, kahapon. Tatlo ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines