Balita

2 pang Pasay inmate, namatay

- Bella Gamotea

Dalawa na namang inmate ang hinimatay at tuluyang binawian ng buhay sa loob ng kulungan ng Pasay City Police, sa hinalang na-heat stroke, nitong Lunes.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ( PCGH) sina Eduardo Angeles y Magdaso, alyas “Eddie”, 48, binata, ng Barangay 183, Zone 16; at Arman Castillo y Aya, 32, technician, ng Bgy. 171, Zone 17, ng Pasay.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng routine check si PO1 Anthony Fernandez sa mga bilanggo nang matagpuang walang malay sina Angeles at Castillo sa loob ng Station Drug Enforcemen­t Team Custodial Facility ng Pasay City Police headquarte­rs, dakong 5:45 ng madaling araw.

Kaagad humingi ng responde si PO1 Fernandez sa Pasay Rescue para dalhin sa pagamutan sina Angeles at Castillo, subalit idineklara ni Dr. Noah Padilla na dead on arrival ang dalawa, bandang 7:10 ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang preso, o kung may foul play na maaaring kinasasang­kutan ng ibang bilanggo, o kung may iniindang sakit ang dalawa.

Abril 11 lang nang dalawa pang bilanggo rin sa himpilan ng Pasay City Police ang namatay dahil sa sobrang init at sa siksikan sa selda.

Iniutos na ni SPD Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang masusing imbestigas­yon sa insidente, kasabay ng pagtiyak na nagsasagaw­a na sila ng mga hakbangin upang maresolba ang siksikan sa mga detention cell ng mga presinto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines