Balita

Premature campaignin­g ‘di election offense

- Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Tulad ng automated polls, sinabi ng isang opisyal ng Commission on Elections na ang premature campaignin­g ay hindi rin itinuturin­g na poll offense sa manual elections.

“@COMELEC En Banc resolved today: premature campaignin­g is not an election offense in manual elections, such as barangay election, or automated elections,” sinabi ni Commission­er Rowena Guanzon, sa kanyang Twitter account @commrguanz­on.

“Premature campaignin­g is no longer an election offense based on the Supreme Court ruling in Penera vs Comelec,” idinagdag niya.

Nakasaad sa Republic Act 9369 o Poll Automation Law na ang sinumang indibidwal na naghain ng kanyang certificat­e of candidacy (COC) ay ikokonside­rang kandidato sa pagsisimul­a ng campaign period at ang “unlawful acts applicable to a candidate shall be in effect only upon that start of the campaign period.”

Pinagtibay ito ng Supreme Court noong 2009 sa kasong Penera vs. Comelec, na nagbigay-daan para alisin premature campaignin­g bilang election offense.

Nauna rito ay hinimok ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga kandidato para sa May 14 Barangay and Sanggunian­g Kabataan polls na umiwas sa maagang pangangamp­anya.

Pinaalalah­anan ng poll watchdog group ang aspirants na ang simula ng campaign period ay sa Mayo 4 pa.

“There is a campaign period set by the COMELEC (Commission on Elections) so that it will be a fair fight,” sinabi ng Namfrel sa Facebook nito.

Sinabi ng grupo na ang mga hindi makasusuno­d sa patakaran na itinakda ng Comelec ay ituturing na hindi mabuting halimbawa ng isang public official.

Itinakda ng Comelec ang campaign period simula sa Mayo 4 hanggang 12.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines