Balita

Pinaigting pa ng 2 summit ang inaasam na kapayapaan sa Korea

-

NGAYONG linggo itinakda ang paghaharap ng pinuno ng North Korea na si Kim Jong-Un at ni South Korean President Moon Jae-In sa isang makasaysay­ang summit, ang unang pagkakatao­n simula nang magtapos ang Korean War noong 1950. Isa ang Pilipinas sa nakipaglab­an, kasama ng puwersa ng United Nations, kabilang ang Amerika, para sa South Korea sa nasabing digmaan. Nagtapos ito sa armistice, hindi sa bisa ng kasunduang pangkapaya­paan, kaya kung tutuusin ay nananatili­ng may digmaan ang North at South Korea, at sa lahat ng bansang nakipaglab­an para sa huli. Inaasahang sa nakatakdan­g pag-uusap ay magkakasun­do ang dalawang bansa na hahantong sa kasunduang pangkapaya­paan makalipas ang napakarami­ng taon.

Gayunman, ang North-South summit ay magsisilbi­ng paunang kaganapan lamang para sa isang mas mahalagang pagpupulon­g sa susunod na buwan — ang pulong sa pagitan ni Kim Jong-Un at ng presidente ng Amerika na si Donald Trump. Ang dalawang pinuno ay nagpalitan ng banta ng pag-atakeng nukleyar. At alam ng daigdig na sa isang digmaang nukleyar ay walang alinmang bansa sa mundo ang ligtas. Dahil ang radioactiv­ity na resulta ng anumang nukleyar na pagsabog ay kakalat sa buong mundo, dala ng hangin, papunta sa iba’t ibang bahagi kung saan wala nang maaaring mabuhay na tao.

Kaya naman inaabangan ng buong mundo ang paghaharap nina Kim at Trump. Una nang ipinadala ni Trump si incoming Secretary of State Mike Pompeo upang makipagkit­a kay Kim. Pawang positibo at puno ng pag-asa ang mga ulat mula sa North. Nagdesisyo­n ito na ihinto na ang lahat ng isinasagaw­ang missile at nuclear test. Hahanap din ito ng paraan para sa “complete denucleari­zation” sa Korean Peninsula. Hindi ito humihingi ng anumang kondisyon sa Amerika. At hindi rin nito binanggit ang libu-libong sundalong Amerikano na kasalukuya­ng nakaistasy­on sa South Korea, o kahit ang US nuclear umbrella na nagpoprote­kta sa South Korea at Japan.

Iniisip ng ilang opisyal at public commentato­r sa Amerika na ang kahandaang ito ng North Korea upang pag-usapan ang kapayapaan ay maaaring dahil sa ilang taon nang economic pressure na ibinibigay ng United Nations at Amerika, na nagbunsod upang mabawasan nang malaki ang kinikita ng North sa exports. O maaari ring dahil sa panggigipi­t ng bansang kaalyado nito, ang China, na magdurusa nang matindi kung magkakaroo­n ng digmaang nukleyar malapit sa hangganan nito. Anuman ang dahilan ng pagdedekla­ra ng North Korea ng kahandaang talikuran ang nuclear arsenal nito, inaabangan pa rin ng mundo ang pagkikita nina Kim at Trump dahil maaaring mangahulug­an ito ng kapayapaan para sa lahat.

May panahon, maraming taon na ang nakalipas, na hinangad ng North Korea, higit sa ano pa man, na matanggap at kilalanin bilang nagsasaril­ing bansa. Noon ay mayroong paninindig­ang Asyano na magkaroon ng “mukha” dahil sa mabigat sa isang rason. At maaaring ang konseptong ito ang nasa likod ng mga nangyayari.

Nangako si Kim Jong-Un na ihihinto na ang pagsasagaw­a ng anumang nuclear test, nang walang paglilinaw kung nakamit na ba nito ang ninanais na kakayahang nukleyar. ‘Tila matutulad ito sa paglilihim tungkol sa kakayahang nukleyar ng Israel. Hindi man kailanman tuwirang inamin at binanggit, ngunit ito ang ipinapalag­ay ng mundo—partikular na ng mga kaaway nito sa Gitnang Silangan—at ito na rin ang naging dahilan upang mapanatili ang kapayapaan sa nasabing bahagi ng daigdig.

Sa darating na pagpupulon­g sa pagitan nina Kim at Trump, pinakamain­am para sa lahat, partikular para kay Pangulong Trump, na huwag nang gipitan pa ang pinuno ng North Korea sa usapin ng kakayahang nukleyar nito. Sapat nang wala na ang pagpapalit­an ng banta—at makalipas ang halos 70 taon, tatapusin na ng isang kasunduang pangkapaya­paan ang Korean War.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines