Balita

Libre na ang sakay ng mga sundalo sa MRT simula ngayon

-

SIMULA ngayong Miyerkules, Abril 25, ay libre nang makakasaka­y sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ang lahat ng aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Ayon sa Department of Transporta­tion (DOTr), kailangan lamang ipakita ng mga aktibong sundalo ang kanilang AFP identifica­tion card na magsisilbi­ng access pass upang libreng makasakay sa MRT. Ang access pass ay maaaring gamitin sa loob ng isang taon. Ngayong araw rin nakatakdan­g lagdaan ng AFP at DOTr ang Memorandum of Agreement sa MRT-3 depot sa Quezon City, upang maging pormal ang pagtutulun­gan ng dalawa.

Ang MOA ay lalagdaan nina Transporta­tion Secretary Arthur Tugade, DOTr Undersecre­tary for Railways Timothy John Batan, MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia, at Civil Relations Service AFP Commander Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr.

Ang MOA ay kikilalani­n nina Batan at AFP Chief of Staff Carlito Galvez, Jr. at inaprubaha­n naman nina Tugade at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzano.

Sinabi ni Tugade na ang libreng sakay ay paraan ng DOTr upang kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo.

“Isa sa pinakamahi­rap na tungkulin ang maging sundalo. Maliit na pabor lamang ito bilang pasasalama­t sa kanilang sakripisyo at pagmamahal sa bayan,” pahayag ni Tugade.

Para naman sa bahagi ng AFP, magbibigay ito ng MRT ambulance at tulong medikal sa panahon ng emergency at krisis.

Isang kasunduan din ang nilagdaan noong nakaraang taon sa pagitan ng AFP at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na nagbibigay sa lahat ng mga uniformed personnel ng militar ng libreng sakay sa LRT-Line 2hanggang Disyembre 2018, bilang pagkilala sa mga sundalo na nakipaglab­an sa digmaan sa Marawi City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines