Balita

Pagtatayo ng tulay

- Manny Villar

SINO nga ba ang hindi humahanga sa mga tulay – iba’t iba ang hugis, sukat at haba. Naaalala ko ang magagandan­g tulay na nagdurugto­ng sa magkabilan­g pampang ng Seine River sa Paris, at ang mga tila nakalutang sa hangin, gaya ng Golden Gate Bridge, Sydney Harbor Bridge, at ang Brooklyn Bridge.

Sa Pilipinas, ipinagmama­laki natin ang San Juanico Bridge, ang pinakamaha­ba sa bansa na tumatawid ng mahigit 2,000 kilometro sa San Juanico Strait. Nasa mababang grado pa lamang ako nang makita ko ng larawan ng nasabing tulay sa mga aklat at postcard.

Bilang isang Manileño, kaakitakit sa akin ang mga tulay na tumatawid sa Ilog Pasig, gaya ng makasaysay­ang Quezon Bridge na nagdurugto­ng sa Quiapo at Ermita, na sa ilalim ay matatagpua­n ang maraming tindahan ng handicraft na yari sa Capiz, banig at iba pang souvenir. Simple man ang Del Pan Bridge, natutuguna­n nito ang pagdurugto­ng sa North Harbor at Tondo sa iba pang bahagi ng Maynila.

Matatagpua­n din sa Maynila ang Jones Bridge, Ayala Bridge, Lambingan Bridge, at Nagtahan Bridge, na nagdaragda­g sa kagandahan at kasaysayan ng lungsod. Sana nga ay mapanatili ang kanilang kagandahan.

Bumalik sa aking alaala ang mga tulay nang mabasa ko ang isang artikulo ukol sa plano ng pamahalaan na magtayo ng walong malalaking tulay na magdurugto­ng sa mga isla sa Visayas sa Luzon at Mindanao.

Ayon sa artikulo, ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na gugugol ng P270 bilyon sa mga nasabing tulay, na bahagi ng programa ng administra­syong Duterte na isulong ang “gintong panahon ng imprastrak­tura sa bansa.”

Kabilang sa mga itatayong tulay ang 18.2- kilometron­g tulay na maguugnay sa Luzon at mga isla sa Samar, ang 20- kilometron­g tulay sa pagitan ng Leyte at Mindanao, ang 12.3- kilometron­g tulay sa pagitan ng Negros at Guimaras, at ang 5.7kilometro­ng tulay sa pagitan ng Panay at Guimaras.

Ang pagtatayo ng mga tulay ay susuportah­an ng paggawa ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways upang matiyak na walang isa sa mga pangunahin­g isla sa Visayas at Mindanao ang maiiwan sa karera ng bansa tungo sa kaunlaran.

Inaasahan ko na matutupad ang mga proyektong ito, na makapagpap­asigla sa pagpapaunl­ad ng mga lalawigan at ng industriya ng turismo, gaya ng makabagong sistema ng riles.

Bukod sa kanilang layunin, inaasahan ko rin na magiging maganda ang mga itatayong tulay upang makapagdag­dag sa kagandahan at kasaysayan ng ating bayan.

( Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@ gmail. com o dumalaw sa www. mannyvilla­r. com. ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines