Balita

‘Crazy Rich Asians’, sa August na ang showing

- Ador V. Saluta

MULING ibinahagi ni Kris Aquino ang role niya sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians, kung saan gumaganap siya bilang isang prinsesa. Nakatakda ang premiere ng movie sa United States, sa Agosto 17.

Sa nakaraang panayam kay Kris about the movie premier sinabi niyang, “I have no idea [kung kailan ang Asian premiere]. Ayaw ko namang magpakafee­ling. Dadalawa lang naman ang eksena ko, pero prinsesa ako.”

Inilahad ni Kris na first trailer pa lamang ng Crazy Rich Asians ang inilabas kamakailan.

Sa CRA official trailer ipapakita ang extravagan­t lifestyles ng mga tulad niyang mula sa Asia filled with couture outfits, fancy cars, at mararangya­ng tirahan. Hindi nakita sa trailer si Kris.

Katatapos lang pumirma ng aktres ng one- picture contract sa Star Cinema kasama ang tambalang Joshua Garcia at

Julia Barretto para sa pelikulang pinamagata­ng I Love You, Hater, which will be directed by Giselle Andres.

Binanggit ni Kris na nakatangga­p siya ng alok from other film production outfits.

“There are four projects pitched to me, also one from Quantum Meron din yung sa iFlix, yun kay Direk Paul [ Soriano] and ito

Ayon sa Warner Bros. Pictures nakatakdan­g ipalabas ang Crazy

Rich Asians sa mga sinehan sa Pilipinas sa Agosto 22, 2018.

Sinabi noon ni Kris na may “very special appearance” siya sa pelikula, na halaw sa worldwide bestseller novel ni Kevin Kwan.

“I play royalty, so bongga na yun!” bulalas ni Kris.

Kinunan ang Crazy Rich Asians sa Singapore at Malaysia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines