Balita

Bonggang outfits para kay Glaiza, hirit ng fans

- Ni NORA V. CALDERON

NAKAKATUWA ang fans ni Glaiza de Castro dahil tutok sila sa afternoon prime drama series ng actress, ang Contessa na mapapanood after Eat Bulaga, Monday to Saturday. Matapos kasing magtiis sa katakuttak­ot na hirap si Bea (Glaiza) sa kamay ng mga Imperial, na sina Charito ( Chanda Romero), Daniella ( Lauren Young) at Vito ( Gabby Eigenmann), ipinalabas na namatay siya sa tulong ni Guada ( Tetchie Agbayani) at pagkatapos ay nagbalik si Bea sa bago niyang katauhan bilang si Contessa.

Sa paglabas ni Contessa na kunwari ay galing pa sa Europe, guguluhin niya ang buhay ng mga Imperial, na paranoid na agad sila sa pag-iimbita pa lamang ng mga tao ni Contessa, sa formal niyang pagharap sa mga madla.

Naghihinal­a sila na si Contessa at Bea ay iisa, pero sabi nga ni Contessa, hindi lamang niya patatahimi­kin ang mga isip ng mag-anak na Imperial, isasakatup­aran din niya ang kanyang paghihigan­ti sa pagkamatay ng asawang si Marco ( Mark Herras) at inang si Linda ( Tanya Gomez). Pero sa paglabas nga ni Contessa, may apela ang fans at netizens, na sumusubayb­ay sa serye. Gusto nilang mas bongga pa ang outfits for Glaiza. Kahit daw ang hairstyle niya ay iba-ibahin din dahil nga ang pakilala niya ay super-yaman siya kaya nga makikisosy­o siya sa publicatio­n business ng mga Imperial, bukod pa sa sarili niyang businesses. Sa ngayon daw kasi ay simple lamang ang outfits na isinusuot ni Contessa at hindi siya halatang mayaman talaga, kaya sana raw sa mga susunod na araw, mas marami pang magaganda at sexy outfits na ipasusuot ang production sa kanya. May katwiran ang mga fans at netizens, kaya sana nga ay i-consider ng production at ni Direk Albert Langitaan ang request nila.

 ??  ?? Glaiza
Glaiza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines