Balita

Stan Lee, nangmolest­iya ng masahista?

-

KINASUHAN ang 95- anyos na comic book legend na si Stan Lee ng pangmomole­stiya umano sa isang massage therapist habang nasa massage session.

Ayon sa ulat ng The Wrap, nagsampa ng kaso si Maria Carballo, ang massage therapist na umano’y minolestiy­a ni Lee, nitong Lunes at dito niya isiniwalat ang naganap sa pagitan nila ni Lee sa loob ng suite ng huli sa Hyatt Regency Hotel sa Chicago noong nakaraang taon.

Ayon sa kaso, ipinatawag si Carballo para pumunta sa suite ni Lee at bigyan ang comic legend ng massage therapy. Tatlumpung minuto umano mula nang simulan ang session, Carballo “noticed that Lee began to fondle himself as she performed the massage.”

Nakasaad sa dokumento na inutusan ni Carballo si Lee na tumalikod, upang iwasan ang sitwasyon, at napansin niyang ang mga tela na kinahihiga­an ni Lee “were wet”, ngunit nagdesisyo­n siyang bigyan si Lee ng benefit of the doubt.

Ayon pa kay Carballo, nagpatuloy umano ang pagmamasah­e nang walang kahit anong isyu, hanggang sa dumating sa puntong sinimulang masahihin ni Carballo ang quadriceps ni Lee, na dahilan ni Lee “to moan and groan”, hanggang sa tinapos na ni Carballo ang pagmamasah­e.

Nagreklamo naman si Lee na ang massage session ay dapat na tatagal ng dalawang oras, nakasaad sa dokumento, at pumayag si Carballo na bayaran siya para sa kanyang isang oras na serbisyo. Gayunman, sabi pa rin dito, tumawag umano ang employer ni Carballo nang sumunod na araw, at sinabing ipinapahat­id ni Lee ang kanyang paghingi ng paumanhin at sinigurado sa kanya na “that there would be no further incidents.” Bumalik si Carballo sa suite ni Lee para muling magsagawa ng massage therapy, ngunit habang minamasahe niya ang quadriceps ni Lee, “Plaintiff observed that Lee was once again moaning.” Ayon pa rito, kaagad na itinigil ni Carballo ang ginagawa at Lee “stood up from the massage table, completely naked, and became angry with Plaintiff.” “Plaintiff begged Lee to put on his clothes on and to let her leave, but he became angrier and demanded that she continue the massage,” saad ng dokumento. Sinabi ni Carballo na pumayag siyang ipagpatulo­y ang pagmamasah­e sa loob ng sampung minuto, at sa pagkakatao­ng ito ay sa pamamagita­n ng Shiatsu massage, na ginawa niya gamit ang kanyang paa, ngunit matapos ang ilang minuto, “Lee grabbed Plaintiff’s foot and moved it against his penis and scrotum.”

 ??  ?? Stan Lee
Stan Lee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines