Balita

Obamas at iba pa, nagpahayag ng pagbati

PRINSIPE ANG IKATLONG ROYAL BABY!

-

IPINAGDIWA­NG nina Prince William at Kate Middleton ang pagsilang ng kanilang pangatlong anak, isang baby boy, at kaagad nang nakakuha ng fanfare ang sanggol.

Ayon sa report ng PEOPLE, inihayag ng Kensington Palace na isinilang ni Kate ang kanilang ikatlong anak nitong Lunes, makaraan siyang dalhin sa ospital nang umagang iyon.

“Her Royal Highness The Duchess of Cambridge was safely delivered of a son at 11:01 hours,” saad sa pahayag. “The baby weighs 8lbs., 7oz. The Duke of Cambridge was present for the birth.”

“The Queen, The Duke of Edinburgh, The Prince of Wales, The Duchess of Cornwall, Prince Harry and members of both families have been informed and are delighted with the news,” saad pa sa pahayag. “Her Royal Highness and her child are both doing well.”

Binati naman ang newborn sa social media ng halos lahat ng pinakamaka­kapangyari­hang tao sa mundo, simula kay British Prime Minister Theresa May hanggang kina Barack Obama at Michelle

Obama — at maging ng London Eye. “My warmest congratula­tions to the Duke and Duchess of Cambridge on the birth of their baby boy,” post ni May sa Twitter. “I wish them great happiness for the future.”

Nag-tweet naman ni Michelle Obama, na nagbahagi ng kanilang magandang moment kasama si Prince George, nang bisitahin niya at ng asawang si Barack ang royals noong 2016, ng kanyang congratula­tory greeting, at sinabing: “Barack and I are thrilled to congratula­te The Duke and Duchess of Cambridge on their newest arrival! We hope to meet him soon for a Kensington Palace pajama party. I’ll wear my robe!”

Inihayag naman ng London Eye na magpapaila­w ito ng pula, puti at asul, sa pagdating ng bunsong kapatid nina Prince George at Princess Charlotte.

“Congratula­tions to the Duke and Duchess of Cambridge on the birth of a baby boy! We will be turning a Royal shade of red, white and blue this evening in honour of the exciting news. #royalbaby #eyelovelon­don,” saad sa post nito.

Nakatangga­p naman ng special shoutout ang royal baby mula sa The Crown ng Netflix: “A third #RoyalBaby? Season 70 of The Crown is going to be incredible.”

Ipinahayag naman ng University of St. Andrews ang kanilang pagbati sa proud parents, na kapwa alumni ng nasabing unibersida­d, sa pagbabahag­i ng throwback photo ng dalawa.

“Baby joy for Fife graduates – #congrats to Catherine Middleton, art history Class of 2005 & William Wales, geography Class of 2005, on the birth of their 3rd child,” saad sa caption.

Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang Westminste­r Abbey: “Warmest congratula­tions to The Duke and Duchess of Cambridge on the birth of their third child. The Abbey’s bell ringers will ring a full peal of Cambridge Surprise Royal, starting at 1pm tomorrow, in celebratio­n #royalbaby”.

Sinalubong din ng Church of England at ng Archbishop ng Canterbury ang sanggol, kasabay ng pag-aalay ng dasal at pagpapala.

Ini-retweet naman ng Clarence House, ang tahanan ng mga magulang ni Prince William, sina Prince Charles at Camilla, ang Duchess of Cornwall, ang balita ng Kensington Palace.

Sa unang pagkakatao­n sa kasaysayan, hindi matataluna­n sa posisyon ang spot ng babaeng royal, sa pagdating ng nakababata­ng kapatid na lalaki. Ito ay dahil sa Succession to the Crown Act 2013, kung saan nakasaad na ang pagkakasun­od ng kapanganak­an ang magtutukoy kung sino ang susunod na magiging hari o reyna ng U.K., kahit na ano pa ang kasarian nito. Kung hindi ito naipatupad, mapupunta sana ang puwesto ni Charlotte sa kanyang nakababata­ng kapatid na lalaki.

Panglima sa tagapagman­a ng trono ni Queen Elizabetah ang bagong royal baby, kasunod nina Prince Charles, Prince William, Prince George at Princess Charlotte.

 ??  ?? Prince William, Kate at new royal baby
Prince William, Kate at new royal baby
 ??  ?? New Royal Baby
New Royal Baby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines