Balita

Ex-US President George H.W. Bush, naospital

KINABUKASA­N PAGKALIBIN­G SA ASAWA

-

ISINUGOD sa ospital si dating President George H.W. Bush nitong Linggo, isang araw makaraan ang libing ng kanyang asawang si Barbara Bush. Iniulat ng Entertainm­ent Tonight ang isang opisyal na pahayag mula sa opisina ng 93-taong gulang na retired politician nitong Lunes, ibinunyag na isinugod si Bush sa Houston Methodist Hospital “after contractin­g an infection that spread to his blood.”

Patuloy ng pahayag, si Bush ay “responding to treatments and appears to be recovering.”

Ito ang pinakabago sa samu’t saring problema sa kalusugan ng dating pangulo, kabilang ang kanyang pakikipagl­aban sa pneumonia noong Enero 2017, at muli na naman siyang naospital, makalipas ang tatlong buwan. Mayroon din siyang vascular parkinsoni­sm, at kinailanga­n niyang gumamit ng wheelchair para makagalaw simula noong 2012.

Lumala ang impeksiyon, isang araw makaraang ihatid ng ika-41 pangulo ng Amerika—na nagsilbi bilang commanderi­n-chief sa kanyang termino, simula 1989 hanggang 1993—ang kanyang asawang si Barbara sa huling hantungan nito sa St. Martin’s Episcopal Church sa Houston.

Binawian ng buhay ang dating First Lady at ina ni dating President George W. Bush nitong Abril 17, kasunod ang desisyong ipatigil ang kanyang gamutan para sa lumalang sakit at tamasain ang nalalabing araw kapiling ang kanyang pamilya.

Ang libing ay dinaluhan ng lahat ng nabubuhay pang presidente ng Amerika, kabilang sina George W. Bush, Bill Clinton at Barack Obama, gayundin ang mga dating First Lady na sina Laura Bush, Secretary of State Hillary Clinton, at Michelle Obama. Nagpahayag din ng pakikirama­y si First Lady Melania Trump para sa kanyang sarili at kay President Donald Trump, na piniling huwag nang dumalo “(to) avoid disruption­s due to added security, and out of respect for the Bush family and friends attending the service.”

 ??  ?? George
George

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines