Balita

‘Another strong girl’, ibinida ni The Rock

-

ISINILANG na ang ikatlong anak ni Dwayne Johnson — at balik na naman siya sa newborn mode.

Inihayag ng aktor, na mas kilala bilang si “the Rock”, ang pagsilang sa kanyang pangalawan­g anak kay Lauren Hashian sa pagbabahag­i ng larawan niya kasama ang sanggol, na sweetly cuddling sa kanya. Makikita sa larawan na payapang karga ng hulking actor si Tiana Gia

Johnson, habang nakaupo ang aktor sa hospital bed ng asawa.

Ipinagmala­ki ng “blessed and grateful” dad — na mayroon ding dalawang taong gulang na anak kay Hashian, si Jasmine, at 16 taong gulang na anak na lalaki kay Dany Garcia, si Simone, ang pagdating ng kanyang “strong girl into this world.”

Sinabi ng 45 anyos na si Tiana “came into this world like a force of nature,” at tinawag ang kanyang future wife na si Hashian na isang rock star.

Ibinahagi rin ni Johnson, na nangambang baka hindi niya masalubong ang pagsilang ng anak dahil busy siya sa promotion ng Rampage, na siya ay hands- on sa delivery room — at hinikayat niya ang iba pang mga tatay na gawin ang kanyang ginawa. “It’s critical to be … as supportive as you can,” sulat niya sa madamdamin­g post, “holding hands, holding legs, whatever you can do.” Inilarawan niya ang pakiramdam habang pinapanood na lumalabas mula sa sinapupuna­n ang sanggol bilang “the single most powerful and primal moment life will ever offer.”

Tinapos naman ng megastar, na nagpasaya ng isang high school student na inalok siyang maging prom date, ang kanyang post sa pamamagita­n ng pagsasabi ng ilang matatamis na salitang maglalaraw­an sa kanyang kagalakan. “Like I did when your two older sisters Simone Alexandra and Jasmine Lia, were born, you have my word, I’ll love, protect, guide and make ya laugh for the rest of my life. Your crazy dad has many responsibi­lities and wears many hats in this big ol’ world, but being your dad will always be the one I’m most proud to wear,” ulat ng Yahoo Entertainm­ent.

 ??  ?? Dwayne at Baby Tiana
Dwayne at Baby Tiana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines