Balita

Finals slot, nakataya sa duwelo ng Ateneo at FEU

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 2:00 n.h. -- Ateneo vs FEU (M)

ITATAYA ng defending champion Ateneo de Manila University ang pamato at panabla, sa pakikipagt­uos sa season host Far Eastern University para sa nalalabing finals berth ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Naipuwersa ng Blue Eagles ang ‘do-or-die’ ganap na 2:00 ng hapon matapos burahin ang twiceto- beat advantage ng No. 2 seed Tamaraws matapos sa dikdikang 5-sets sa pangunguna ni reigning league 4-time MVP na si Marck Espejo na umiskor ng record na 55-puntos na kinabibila­ngan ng league record 47 attack points.

“Si Marck, he’s there, defense, a little bit struggle in the serve, but when it matters, he made the points sa serve. That’s what I’m telling my players, you have to make a point when it matters. 55 doesn’t matter if you don’t make it at the right time. So he made it at the right time, the maturity is there,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.

“God’s gift talaga si Marck. Hindi lang sa atin, sa Philippine volleyball.”

“Rare tayong makakakita ng kagaya ni Marck. Magaling din ‘yung iba — si Bagunas, sila Quiel, sila Bugaoan, magagaling din sila, magagaling ‘yan. I admire ‘yung sila, pero iba ‘yung binigay ni Marck eh. He’s really God’s gift to us, sa amin sa Ateneo,” aniya.

Gayunman, hindi naman lahat ay iaasa nila kay Espejo dahil inaasahan din ni Almadro na mag-i-step-up para sa Ateneo ang setter na si Ish Polvorosa, Ron Medalla, skipper Karl Baysa, libero Manuel Sumanguid, Chumason Njhiga at Gian Glorioso.

Sa kabilang dako, hindi naman basta-basta papayag na mauwi lamang sa wala ang kanilang pinagpagur­an, inaasahan namang magsisikap na makabawi ang Tamaraws sa pangunguna nina team captain Richard Solis, ang kanilang batangbata­ng setter na si Owen Suarez at mga hitters na sina RJ Paler, JP Bugaoan, Jude Garcia at Peter Quiel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines