Balita

IP Games, lalarga na sa DavNor

-

TAGUM City, Davao del Norte -Maibibida sa sambayanan ang mayamang kultura at tradisyon ng mga Indigenous Peoples sa lalawigan sa ilalargang Philippine Sports Commission- Indigenous Peoples Games simula sa Biyernes sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito.

“There is much to look forward to in the IP Games. The Davao del Norte launching is just the beginning of a series of IP Games and IP Forum to be held in different parts of the country,” pahayag ni project director PSC Commission­er Charles Raymond A. Maxey.

Nagtungo rito ang dating sports editor ng SunStar Davao mula sa matagumpay na PSC-Philippine Sports Institute Consultati­ve Meeting and Grassroots Coaching seminar sa Panabo City.

Ayon kay Maxey, masinsinan ang naging koordinasy­on ng ahensya sa mga local government units (LGUs) ng Davao del Norte, Bukidnon, Lake Sebu, South Cotabato, Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya, gayundin sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang matukoy at mahimay ang lahat nang kailangang sundin at gawin para sa matagumpay na pagsasagaw­a ng programa para sa mga kababayan na kabilang sa Indigenous group.

Kabuuang 300 kalahok mula sa AtaManobo, Sama, Dibabawon, Mandaya, Mangguanga­n, at Mansaka na naniniraha­n sa New Corella, Talaingod, Carmen, Panabo City, Sto. Tomas, Asuncion, Kapalong, Tagum City, Dujali, Island Garden City of Samal at San Isidro ang makikibaha­gi sa IP Games.

“We are all set for the IP Games,” pahayag ni Maxey.

Sa layuning mapangalag­aan at mapayaman ang traditiona­l games ng IP, ibabahagi ng mga kalahok ang husay sa Kadang-Kadang sa Bagol, Kadang-Kadang sa Bamboo, Lubok sa Humay, Butong sa Lubid, Pana, Bangkaw, at Basket sa Likod, (4x100m event at 100-meter run).

Magsasagaw­a rin ng IP Forum at photo contest.

Ang Lubok sa Humay at KadangKada­ng sa Bagol ay event na para lamang sa kababaihan.

Magbibigay ng mensahe si PSC Chairman William “Butch” Ramirez at Maxey sa opening ceremony, habang si Davao del Norte Governor Anthony del Rosario ang magbibigay hudyat sa pagsisimul­a ng paligsahan.

 ??  ?? PINANGUNAH­AN ni PSC Executive Assistant Karlo Pates (gitna) ang huling pagpupulon­g sa mga kinatawan ng mga koponan sa gaganaping 1st PSC-DavNor IP Games. PSC
PINANGUNAH­AN ni PSC Executive Assistant Karlo Pates (gitna) ang huling pagpupulon­g sa mga kinatawan ng mga koponan sa gaganaping 1st PSC-DavNor IP Games. PSC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines