Balita

14,000 sako ng bigas handog ng Isabela sa Metro Manila

- NFA PR/PNA

BILANG bahagi ng proyektong “Tulong sa Bayan”, nasa 20 truck na may lamang 14,000 sako ng bigas ang inihatid sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila mula sa Isabela rice traders.

Mula Santiago City, dumating ang truck nitong Martes sa Metro Manila at agad na inihatid ang mga bigas sa mga rice retailers sa bahagi ng Parañaque, Tondo, Malabon, Caloocan, Marikina, Batasan Hills at Parkway Village sa Quezon City at sa Tanza, Cavite.

Ayon kay Ernesto Subia, pangulo ng Isabela Rice Millers Associatio­n, na inisyal na bahagi pa lamang ito ng tulong ng asosasyon para sa programang ‘Tulong sa Bayan’ na ipinangako ng mga pribadong rice traders at retailers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nag-commit kami sa presidente (Duterte) na mag-dedeliver kami ng 100,000 bags every month, or as necessary. Hangga’t wala pang stocks ang NFA, ang commitment namin, tuloy-tuloy,” ani Subia.

Noong nakaraang buwan sa ginanap na pulong Malacañang, nangako ang mga grupo ng rice traders mula Isabela, Bulacan at Nueva Ecija na maghahatid ito ng 100,000 sako ng bigas o 300,000 kada buwan sa Metro Manila, na ipagbibili ng mga retailer sa halagang P39 kada kilo, hanggat hindi pa napupuno ang NFA stock sa pamamagita­n ng pag-angkat.

Ang ‘Tulong sa Bayan’ caravan ay isang sama-samang inisyatiba ng Office of the President, the Confederat­ion of Grains Retailers Associatio­n of the Philippine­s, Inc., the Philippine Confederat­ion of Grains Associatio­ns, at ng NFA.

Pinuri naman ni NFA Administra­tor Jason Aquino ang mga miyembro ng Isabela Rice Millers at NFA Region 2 para sa tamang oras ng paghahatid ng bigas sa Metro Manila.

“This will be a great help to our poor consumers. It will ensure that there is affordable and quality rice in the market. We highly appreciate the initiative of the private traders. We in the NFA is making sure that our NFA rice stock is replenishe­d at the earliest possible time. We are trying our best to have NFA rice back in the market next month,” pahayag ni Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines