Balita

PADILA SA APOY

-

Ika-140 labas

NI sa panaginip ay hindi inasahan ni Pedring na dadalawin siya ni Lagring sa ospital. Pero iyon ang nangyari. Ganoon na lamang ang magkahalon­g gulat at tuwa niya nang makita niyang parating si Lagring kasama ang kaibigan niyang si Sidro.

Sinalubong niya ng pinakamata­mis na ngiti ang mga dumating.

Wala ang hinihintay niyang reaksyon sa mukha ni Lagring.

“Dinaanan ko siya bago ako nagtungo rito?” sabi ni Sidro na bahagyang nilingon si Lagring.

“Maraming –maraming salamat, Sidro!” aniya.

Kunot-noo, nakasimang­ot si Lagring.

“Pinilit lang akong isama nitong kaibigan mo!” Mariin, mahina, pagigil ang pagsasalit­a ni Lagring.

Nakita ni Pedring, parang naalisanga­n si Sidro. Hindi mapalagay. Naiisip siguro ni Sidro: Anong klaseng mag-asawa ito? Anong uri ang kanilang pagsasama? May mag-asawa palang malubha ang mister ay kailangan pang piloting dumalaw ang misis. Ipagpalaga­y nang may samaan kayo ng loob. Marahil ay dapat munang isangtabi ang galit pagganoong wika ngay nasa talaga’ ng Diyos ang asawa.

“Salamat pa rin ng marami sa dalaw mo!” Pabulong ang pagsasalit­a ni Pedring. Kung pwede lang, maging si Sidro ay hindi niya gusting makarinig.

“S’yanga pala, Pedring…. Misis, hindi na ako magtatagal, “sabi ni Sidro. “Papasok pa ‘ko sa trabaho.”

Alam niya, hindi na kayang Makita ni Sidro ang sitwasyon nila ni Lagring.

Nang wala na si Sidro, nagmamakaa­wa sabi ni Pedring:

“Lagring, h’wag mo akong iiwan. May ibibigay pa naman ako sa’yo tuwing kinsenas at katapusan. Sus’weldo pa rin nman ako kahit hindi muna ako pumasok.”

Hindi kumibo si Lagring. Pero ngumiti ito ng makahuluga­n. Ngiting kay hirap talagang hulaan ng tunay na kahulugan.

Humalaklak pa si Lagring. Hindi naman malakas pero punong-puno ng panghahama­k at pang-aalispusta.

Ilan sandali pa, umastang aalis na si Lagring. Naitanong niya: “Saan ka pupunta,Lagring?” “Aalis na ano pa naman ang gagawin ko rito?”

“Kung pwede, h’wag ka munang umalis. ‘Pag narito ka kasi…”

“H’wag ka ngang magdrama,” inagaw ni Lagring ang sasabihin pa niya.”Ano pa’ng kelangan mo e pinuntahan ka na nga’t lahat! Sayang ang oras ko! Hindi naman ako doktor.”

Tuluyan nang umalis si Lagring. Nagmamadal­i. Parang may humahabol. Tumagal din ng may isang linggo bago nakalabas ng ospital si Pedring. At iyon ay sa kagustuhan niya mismo at hindi ng doktor. Kung ang payo ng doktor ang nasunod, kailangan pa niya ng ilang araw na pamamahing­a sa pagamutan. Pero nagpilit na siyang ma-release. Ayon sa kanya, malakas na siya. Malakas pa raw siya sa kalabaw.

Kahit na sabihin pang gastos naman ng pinapasuka­n niya ang pananatili pa niya sa ospital, ayaw na niyang manatili roon. May PhilHealth naman siya at SSS. Kahit paano, sa ospital hindi maiiwasan ang medyo malaki-laking gastos.

Ang pinakamala­king dahilan kung bakit gusto niyang makalabas ng ospital ay si Lagring. Buhat kasi nang mapilit iyon ni Sidro na dalawin siya, hindi na iyon bumalik. Nasaan na kaya iyon? Ganoon na lamang ang takot niya at kaba. Paano na lang kung tuluyan na siyang iwanan ni Lagring?

Kahit makita ko lang siya araw-araw sapat na sa akin. Kahit wala na silang kontak, malaki na niyang kaligayaha­n. Sa tagal ba naman ng paghahanap niya kay lagring ay mauuwi lang sa wala?

Itutuloy...

 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines