Balita

Marawi evacuees sa Boracay, nabakwit na naman!

- Nina Tara Yap at Rommel P. Tabbad

BORACAY, Aklan – Dumagsa sila sa Boracay Island noong nakaraang taon upang magsimulan­g muli makaraang mawasak ng limang-buwang digmaan ang lugar nila sa Marawi City, at ngayon, nasa alanganin na naman ang kanilang kapalaran.

“Nasasaktan ako. Biglang nasira ‘yung lugar namin nakaraang taon at lahat kami natigil sa pag-aaral. Pumunta kami dito upang maghanapbu­hay nang maayos, pero eto ‘yung nangyari,” sabi ni Mariam Ali.

May maliit na souvenir shop ang 21-anyos na si Ali sa dalampasig­an ng isla sa Station 2. Isang araw makaraang pansamanta­lang isara ng gobyerno ang isla sa mga turista, nananatili­ng bukas ang kanyang tindahan.

BALIK-MARAWI Dumating si Ali sa Boracay kasama ang kanyang kapatid na babae at ang pamilya nito, sa pag-asang sa isla nila muling sisimulan ang kanilang mga buhay.

“Umiiyak siya kasi maghahanap naman sila (pamilya ng kanyang kapatid) kung saan makakita ng pera para sa dalawang anak, at tsaka buntis siya ngayon,” ani Ali.

Sinabi ni Ali na plano niyang sa Metro Manila naman makipagsap­alaran, habang uuwi na sa Marawi ang kanyang kapatid at ang pamilya nito.

Gaya ng kapatid ni Ali, mapipilita­n ding bumalik sa Marawi si Aralia Batuampar, 21, na mayroon ding tindahan ng mga souvenir sa isla.

Hindi batid ang aktuwal na bilang ng Marawi evacuees na dumayo sa Boracay, pero ilan sa kanila ang kumubra ng P3,500 ayudang pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

‘ GHOST TOWN’ Kaugnay nito, inihalintu­lad ng mga negosyante sa isang “ghost town” ang Sitio Bulabog sa Barangay Balabag sa Boracay, na una nang tinawag na “cesspool” ni Pangulong Duterte.

Dahilan ng isa pang negosyante­ng si Eddie Manuel, wala nang naiwang turista sa isla, partikular na sa Sitio Bulabog.

Nabatid na aabot pa lang sa 700 ang mga manggagawa sa isla na natulungan ng DSWD.

Katwiran naman ni DSWD-Region 6 Director Rebecca Geamala, patuloy pa ang kanilang assessment sa libu-libong manggagawa­ng nawalan ng trabaho sa isla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines